TLBU #18

76 26 5
                                    

"Good evening Elli!" Papa greeted me happily when I visited him at work.

"Good evening Pa." I smiled and kissed him in his cheek.

His been working for six months now as one of our head engineer in our real estate business.

I tried to spend some of my times with him. We ate dinner together and there was also one time that Tita Flor and Keyla joined us.

I am trying my best and I am getting there but sometimes it's hard to not get hurt when I saw them together, complete — and here I am, looks like I'm an outsider to them.

"How's school?" He asked and guide me to the sofa in his office.

"Mahirap lang Pa ngayon kasi graduating na kami." He smiled and brushed the side of my head.

"I know you will make it. Ngayon pa lang proud na sa'yo si Papa." Parang tumalbog ang puso ko sa sobrang saya. Ang tagal kong hiniling yung ganitong moment kasama siya. Simula ng umalis siya, hiniling ko na sana marinig ko ulit na proud siya sa'kin at kung gaano niya ako kamahal.

He hold my hand. "Your Tita Flor cook dinner tonight. Do you want to eat with us?"

Napangiwi ako. I'm still not used on calling her Tita Flor.

"Okay." I simply replied.

He gets his things and we went outside his office.

"Saan ba yung bahay niyo Pa?" I asked when we went inside the elevator.

"I don't have my car anymore. Sabay na lang ako sa'yo Elli." Parang nahihiya si Papa sa pagkakasabi niya.

We drove to a village near our company. I looked around as I drove the car. Maraming tabi tabi ang bahay. May mga nag-iinuman pa sa labas na ang lalaki ng tattoo sa katawan.

Papa told me to stopped in front of a two-storey house with a blue gate. I parked the car outside. Sabay kaming bumaba at pinagbuksan niya ako ng gate.

Nang nakapasok na kami sa loob ng bahay ay sinalubong kami ni Keyla.

"Hi Ate Elli!" Maligaya niyang bati at niyakap ako. Tinapik ko lang siya sa balikat niya.

"Hi." I simply said.

"Malapit ng matapos magluto si Mama. Upo muna tayo sa sala."

Inilibot ko ang paningin sa loob ng bahay nila. Simple lamang ito at medyo masikip. May maliit na sofa at isang TV lang sa harapan. Sa gilid nito ay tanaw agad ang kusina at kita ko ang likuran ni Tita Flor na abala sa pagluluto. Nakita kong umakyat si Papa sa taas siguro ay para magpalit ng damit.

"Masarap ang luto ni Mama. Panigurado Ate magugustuhan mo ang mga luto niya."

I just smiled a bit and nodded.

Pagkatapos ng ilang minuto ay tinawag na kami ni Tita Flor para magsimula ng kumain. Katabi ko si Keyla at nasa harapan ko naman si Tita Flor katabi si Papa.

Napatingin ako kay Papa habang naglalagay ng pagkain sa plato ni Keyla. Kumirot ang puso ko. Naalala ko nung bata pa ko, ganyan din niya ako alagaan. Umiwas ako ng tingin sa kanila at nakita akong nakangiti sa'kin si Tita Flor.

"Subukan mo 'tong afritada. Paborito yan ng Papa mo." Ngumiwi ako at tumango na lang. Naglagay ako ng kaonti sa plato ko at nakita ko ang paglagay ni Papa ng kanin sa plato ko.

Nakangiti siya sa'kin habang naglalagay ng kanin. "Kumain ka ng marami Elli."

"Salamat Pa." Nangiti na rin ako at nag-umpisa ng kumain.

Masarap nga ang luto ni Tita Flor pero mas gusto ko pa rin ang luto ng Mama ko at ni Tita Beatrice.

"Ate dalasan mo ang pagdalaw dito para mas matikman mo pa ang ibang luto ni Mama." Keyla said.

The Lies Between Us (Lie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon