TLBU #28

65 13 8
                                    

"Good morning Dad." I greeted him while wiping my sweats on my forehead. I went out for a morning jog. Sa bahay nila Daddy ako natulog ngayon dahil aalis na naman siya for a business trip. His drinking his coffee in our living area. I kissed him on his cheeks. "Anong oras flight mo Dad?"

"Mamaya pang 11 a.m." He answered.

"Okay. Where's Kuya Marcus?"

"May basketball game sila sa school niyo dati. They were invited by their coach."

I nodded.

"Have you received an invitation for Alfredo's birthday?" He calmly asked.

"Yes. Levi personally gave me the invitation the other day."

I remembered what happened last night, I just told him that I don't believe him and immediately went to my car and drove away. Because if I stay there for another minute, I might kiss him and tell him that I feel the same.

I am not yet ready for that shits in my life right now. I don't know when will I be ready or will I ever be.

Nagpasya akong manuod ng game ni Kuya Marcus sa St. Louis Academy. Hindi ko sinabi kay Kuya na manunuod ako ng game nila.

I decided to wear a white turtleneck crop top, highwaist denim shorts and a white sneakers. I ponytailed my hair and wear a black cap and shades.

Nagpahatid ako sa driver ni Daddy para sumabay na lang ako kay Kuya Marcus mamaya. Aayain ko na rin siyang mag dinner.

Pagkababa ko ng gate ng SLA ay madaming alaala ang pumasok sa isipan ko. Mga panahong buo pa ang barkada at masaya lang kaming lahat.

Dumiretso na ko sa basketball gym ng school at sa labas pa lang ay puro sigawan na ang naririnig ko. Nang nakapasok na ko sa loob ay natanaw ko agad si Kuya Marcus sa kabilang dulo ng court na nagpapractice ng shooting kasama si Chance. Parehas silang nakasuot ng blue jersey. Nilibot ko ang paningin ko at napansin na maraming fans ni Chance ang nanunuod. Wala na yata akong mauupuan, magpakita na kaya ako kay Kuya para sa pwesto na lang nila ako.

Nahirapan akong pumunta sa gawi nila dahil sa dami ng tao. Nang malapit na ako ay napatigil ako sa pagkakakita kay Levi. Napakunot ang noo ko sa pagtataka dahil hindi naman siya member ng basketball team dati.

Nakisali na siya sa shooting practice nila Kuya Marcus. Agad niyang nashoot ang bola sa 3 points slot. Napaawang ang labi ko, magaling naman pala ang mokong na 'to. Pinagpatuloy ko ang pagpunta sa pwesto nila, ang sarap sapakin ng mga babaeng 'to, ang haharot kaya nahihirapan akong lumapit. Naapakan pa nga ako nung isang babae, buti na lang at naka shades ako kundi makikita pa niya ang masama kong tingin. Ayaw kong dumugin ng mga babaeng mahaharot na yun.

Nang nasa tama na ang lapit ko ay tinawag ko si Kuya Marcus. Sumigaw ako ng buong lakas. Palingon lingon si Kuya Marcus para hanapin ang tumawag sa kanya kaya tinaas ko ang dalawang kamay ko at kumaway sa kanya. Nang nakita na niya ako ay kumunot ang noo niya, agad siyang tumakbo papunta sa'kin kaya napatingin na din sa'kin sila Chance at Levi.

"What are you doing here?" Masungit na tanong ni Kuya nang nakalapit na siya.

"Duh!" I rolled my eyes even though he can't see it. "Para suportahan ka." Binatukan ko siya ng malakas. "Hindi ka ba masaya na ichi-cheer ka ng maganda mong kapatid?"

Umiling lang siya at natawa. "What I'm trying to say is why'd you didn't tell me? Sana nasundo kita. Ang daming tao ngayon."

Ayy concern naman pala ang Kuya ko. I giggled and pinched his nose. "Sweet! Sana basketball na lang ang pinili mong career para 'di ka na naging masungit."

The Lies Between Us (Lie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon