TLBU #30

72 11 4
                                    

Everyday the sun keeps rising and setting. Flowers still blooms, wind blows and clouds rolls by. People always get up and continue living. We try to live on everyday like every things in this planet. Even though there's a huge hole in your heart that needs to be filled, you still choose to breath and smile.

I heard a few knocks on my door making my thoughts back to earth. Bumukas ito at pumasok ang sekretarya kong may dalang isang bouquet ng bulaklak at paper bag na may lamang pagkain. Nilapag niya ang mga ito sa ibabaw ng lamesa sa gilid ko. Nginitian ko siya bago siya lumabas ng opisina ko.

Tinitigan ko lang ang mga bulaklak at pagkain. Isang buwan na ang nakalipas matapos ang huling pag-uusap namin sa club. Araw-araw na niya akong pinapadalhan ng bulaklak at pagkain. Sa mga unang padala niya ay may nakalagay na notes na humihingi siya ng tawad sa lahat ng nangyari at kung pwede daw ba kaming mag-usap. Nitong linggo lang ay nakalagay sa mga notes na mangliligaw daw siya ulit. Hindi ko alam kung anong plano niya o talagang seryoso siya sa mga sinasabi niya.

May parte sa puso ko na natutuwa sa atensyon na binibigay niya sa'kin ngayon pero mas nangingibabaw ang takot ko na baka masaktan na naman ako. Pero ganoon naman talaga, masasaktan ka kapag nagmahal ka.

Mahal ko pa rin siya kahit sinaktan niya ko. Kahit ilang taon na ang lumipas siya pa rin. Kahit okay na ko, siya pa din ang hinahanap ng puso ko.

Muling bumukas ang pintuan ng opisina ko at nang lingunin ko ito ay nakita ko ang nakangiting si Daddy. Bigla siyang napatingin sa bulaklak at paper bag sa ibabaw ng lamesa. Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap at hinalikan sa pisngi.

"Suitor?" He asked.

"Parang." I simply answered making his forehead creased.

"Is this the same guy I know?"

Nagkibit balikat lamang ako.

"Whatever your choice princess, always choose to be happy. Yun naman ang importante." He softly said.

"Paano Dad kung masakit pero gusto mo siyang piliin?"

Bumuntonghininga siya at hinawakan ako sa kamay. "Remember when I told you when your mother asked me to stay away from her and you? because she wants to have a complete family with your Papa." I nodded. "Pinili kong sundin ang mama mo kahit masakit. Doon ko lang nakita ang mama mo na ganoon kasaya at narealize ko na hindi na ako ang makakapagpasaya sa kanya. Kaya kahit sobrang sakit, masaya na rin ako basta masaya kayong dalawa." Niyakap niya ako at inalu sa likod ko. "Piliin mo siya kung mahal mo siya at kung mahal ka rin niya. H'wag mong isipin ang mga nangyaring masasakit sa inyo dati. Ang importante mapapasaya nyo ang isa't isa ngayon. Ang mahalaga ay yung kasalukuyan at hinaharap. Pero bago kayo maging masaya kailangan niyo munang patawarin ang isa't isa dahil iyon ang magandang regalo na mabibigay niyo sa mga sarili niyo."

Mas niyakap ko ng mahigpit ang daddy ko at ngumiti. Isa sa magandang nangyari sa'kin pagkatapos ng lahat ng masasakit sa nakaraan ay yung nagkaroon ako ng Daddy Lucio at Kuya Marcus na minahal ako ng sobra.

"Gf favor naman?" Bungad agad ni Maia ng sagutin ko ang tawag niya.

"Ano yun?" Garalgal pa ang boses ko sa pagkakagising. Humikab ako at inunat ang katawan.

"May client kasi ako ngayon sa Cavite. Wala akong mapag iwanan kay CL. May sakit si Yaya Sol tapos si Mom at Dad naman ay nasa business trip. Pwede bang iwan ko muna sa'yo?"

"Oo naman. Hatid mo na lang dito sa condo ko. Wala naman akong pasok ngayon e."

"Thank you Gf! I love you." She giggled happily before ending the call.

Bumangon na ko at nag-ayos para sa pagdating ni CL. Nag-bake ako ng cookies para sa kanya. Paborito daw niya ito sabi ni Maia.

Tumunog na ang door bell kaya tumakbo ako papunta sa pintuan at bumungad sa'kin si Maia at ang cute na si CL.

The Lies Between Us (Lie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon