I think life never wanted me to be happy. When I decided to move on and forget the past, mas hinihila niya ako pabalik kung saan mas masakit ang pagbagsak ko.
Sabi nila "Let go of the things you cannot change." Hindi ko kayang baguhin ang kapalaran kong makita ulit si Papa kahit ang sakit ng dahilan ng pagbalik niya.
Sabi din nila "Life is too short to wake up with regrets." Will I really regret na hindi ko siya pabalikin sa buhay ko. Baka naman bumalik din siya para bumawi na sa akin. Pero sino ba ang niloloko ko, sarili ko lang naman. Iniwan niya kami para sa ibang babae. Ngayon babalik siya dahil nagkaproblema siya sa negosyo niya. Kung wala pala siyang naging problema ay tuluyan na niya akong kakalimutan.
There is a difference between giving up and knowing when you have had enough and this is me having enough of my father's bullshit on my life.
Tahimik lang sa bahay namin. Hindi na ulit nabanggit pa ang tungkol sa kagustuhan ni Papa na bumalik sa kompanya. Alam nila Tito at Tita na nasasaktan ako sa nangyari. Marahil inisip nila na baka kung ano na naman ang gawin ko.
Araw araw akong sumasama kay Tito Andres para ipakita sa akin kung paano tumatakbo ang negosyo namin. Kapag may mga social gatherings ang iba't ibang company ay sinasama ako ni Tito Andres at pinakilala din niya ako sa mga matagal na naming clients.
Naging busy ako buong bakasyon dahil gusto kong makatulong na kahit papano sa pagpapatakbo ng negosyo namin.
"Gf, saang lupalop ka ba nagtatago? Miss na kita." Malungkot na bati ni Maia ng tumawag siya sa'kin.
"Busy ako sa pag-aaral sa negosyo namin Maia."
Madalas akong ayain ni Maia na lumabas ngunit lagi ko itong tinatanggihan. Kapag uuwi ako galing opisina ay wala na kong lakas para mag party.
Nakakatanggap din ako ng text mula kay Levi kung gusto ko daw bang mamasyal pero sinabi kong abala ako sa negosyo. Nagpaalam din siya na magbabakasyon siya sa ibang bansa para mabisita ang Mama niya. Kaya halos buong bakasyon ay wala akong nasamahan sa kanila. Miss ko na sila. Pero kailangan kong gawin 'to dahil nangako ako kay Mama na isa ito sa mga aayusin ko sa buhay ko.
Gusto ni Tito Andres na aralin ko muna ang ginagawa ng bawat department at maging close sa mga empleyado namin.
Isang araw habang abala ako sa pagreview ng mga bagong marketing promotion sa bagong client ay biglang tumunog ang cellphone ko sa tawag ng isang 'di kilalang numero.
Kumunot ang noo ko at agad dinampot ang cellphone ko. "Hello."
"Elli." Agad nanglaki ang mata ko dahil sa boses ng lalaking matagal ko ng hindi narinig. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Can we talk?" He asked.
"If this is about your share, I'm willing to give it to you." Pinilit kong tapangan ang boses ko pero ang totoo ay gusto ng masira nito sa pagpipigil ng iyak.
"It's not about that princess. I want to help you run the company."
"Don't call me princess anymore. No king will abandoned his princess but news flash Pa, you left me." I breathed deeply. "Hindi mo na kailangang tumulong, I have Tito Andres and Tita Beatrice beside me."
"Can I see you? So we can talk properly."
"No. I don't want to see you. If you don't want to get your shares, then I cannot offer you anything. I'm sorry but I'm busy so don't call me anymore."
"Elli wait...."
Agad kong pinutol ang tawag niya kahit may sasabihin pa siya at hinagis ang cellphone ko sa ibabaw ng table.
BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Lie Series #1)
RomanceAt a young age, Elliot Amalia Cayetano Alcazar, witnessed her perfect life fall apart into a million pieces. She was left alone with a broken heart and soul. She felt life played her savagely. As time goes by, Elli try to be a strong and fierce woma...