"Tito, ma-late ako ng uwi mamaya. Punta ako sa birthday ni Tito Lucio, father of my friend Marcus Axel Fontanilla." Sambit ko nang dinalaw ko sila ni Tita Beatrice sa opisina.
His forehead creased and pursed his lips. "Stay away from them Elli." His face was serious with so much authority.
Napaawang ang labi ko sa gulat at nagsalubong ang kilay. "Why Tito? Mabait sila sa'kin. I can't find any reasons to stay away from them."
"Just do what I said Elli. They were our enemy in business." He said not looking at me. It seems liked something was bothering him.
"It's not enough reason Tito. They were good to me."
Tinignan niya ko ng masama at nakita ko ang pag-inting ng panga niya. "It's for your own good Elli. Sumunod ka na lang."
I looked at my Tita Beatrice na kanina pa tahimik sa usapan namin. Nakatulala lang siya. "Tita, what's wrong?" Nagulat siya sa pagkausap ko sa kanya at nag-angat ng tingin sa'kin.
"Nothing Elli. Just listen to your Tito." She said nervously.
"I don't understand." I sighed. "Mabait sila sa'kin lalo na si Marcus. Madalas niya akong tulungan sa school dati kahit magkaiba kami ng course."
Biglang tumayo si Tito Andres at hinampas ang lamesa. Napapikit ako sa gulat. "Ayaw ko ng marinig na nakikipagkita ka sa kanila Elli." Madiin ang kanyang pagkakasabi. Umalis siya at sumunod sa kanya ang nag-aalalang si Tita Beatrice.
Even though I don't understand and I don't want any troubled again with my Tito, sinunod ko siya. I texted Marcus telling him that I'm not feeling well and tell his Dad that I wished him a happy birthday.
Habang abala ako sa pag-aayos ng mga kailangan ko para sa outreach program namin next week ay may biglang kumatok sa pintuan. Dumungaw si Keyla na may dalang cookies at gatas.
"Hi Ate Elli. Dinalhan kita ng gawa kong cookies at gatas." Malawak ang kanyang pagkakangiti.
"Pasok ka." Simple kong sagot at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit. "Lapag mo na lang sa lamesa."
Nakatalikod ako sa kanya at narinig ko ang paglapag niya ng pagkain sa lamesa. Hinihintay ko siyang lumabas ng kwarto subalit ilang minuto na ay wala akong narinig na pagsara ng pintuan kaya nilingon ko siya. Seryoso ang kanyang mukha na nakatingin sa sahig.
"May kailangan ka pa ba?" Nagulat siya sa pagtatanong ko at nakita ko kung paano niya pinaglalaruan ang kanyang mga daliri sa kamay na tila ba kinakabahan. Napataas ang isa kong kilay at hinarap na siya ng maayos.
"G-Gusto ko sanang magpasalamat sa tulong mo sa'min Ate." Nauutal niyang sambit nang hindi ako tinitignan.
Napabuntonghininga ako at umupo na kung nasaan ang dala niyang pagkain. Tinuro ko sa kanya ang upuan sa harap ko at agad naman siyang umupo dito.
Matalim ko siyang tinignan at inabutan ng cookies na ginawa niya. Kinuha niya ito at mahinhin na kumagat.
"Wala na kong magagawa sa sitwasyon natin." Panimula ko at natuon ang buong atensyon niya sa akin. "Hindi ako masamang tao. Kapatid kita kaya dapat lang na tulungan kita. Pinilit kong kalimutan na lahat ng nangyari dahil gusto ko ng maging totoong masaya. Ayaw ko ng mabuhay sa nakaraan at puro galit ang nasa puso." Nginitian ko siya. Pinakita ko sa kanyang buong puso ang pagtulong ko. Gusto kong maramdaman niya na wala na kong galit sa kanila. "Hiling ko lang sana na 'wag niyo na kong lokohin ulit. Mas masakit dahil pinapasok ko kayo sa buhay ko at hirap ko mang aminin, mahalaga na kayo sa'kin."
Tumayo siya at niyakap ako mula sa aking balikat. "Maraming salamat Ate."
Masaya din pala ang magakaroon ng sariling kapatid. Nang nalaman ko ang tungkol sa sakit niya ay mas lalong lumambot ang puso ko sa kanila. Mas natanggap ko ang lahat dahil nahihirapan din sila sa nangyari sa'min. Kung nagagawa kong tumulong sa ibang tao, bakit hindi ko magagawa sa kapatid ko, 'di ba?
BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Lie Series #1)
RomanceAt a young age, Elliot Amalia Cayetano Alcazar, witnessed her perfect life fall apart into a million pieces. She was left alone with a broken heart and soul. She felt life played her savagely. As time goes by, Elli try to be a strong and fierce woma...