TLBU #15

67 25 3
                                    

Hindi ako mapakali habang hinihintay si Papa. Panay ang tingin ko sa relo ko at inum ng tubig. Nag decide kami ni Papa na magkita sa favorite naming restaurant noong buhay pa si Mama. Pinili namin ang isang private room para mas makapag-usap kami ng maayos. Napaaga ako ng dating dahil hindi ako makatulog kagabi sa kaba.

Nilingon ko ang pintuan dahil sa pagbukas nito at nakita ko agad ang nakangiting si Papa pero agad nagsalubong ang kilay ko dahil may kasama siyang dalawang babae. Ang isang babae na may katandaan na ay yung nakita ko dati na kasama niya sa tapat ng isang restaurant sa BGC.

Nang napansin ni Papa ang sama ng tingin ko sa mga kasama niya ay nilingon niya ito. Nagtanguan sila at tumayo sa harap ng lamesa. Lumapit si Papa sa gilid ko at hinawakan ako sa balikat.

"Elli, I'm happy that you gave me a chance talk to you." Masayang sabi ni Papa pero hindi ko maalis ang tingin sa dalawang babae na parehas ding nakangiti sa'kin.

"Umupo na muna tayo." Sabi ng matandang babae at naupo na sila.

Si Papa ang nasa harap ko at ang matandang babae ay katabi niya. Ang isang babae ay tumabi naman sa'kin.

"Who are they?" Hindi ko na mapigilan ang pagtatanong.

"Let's order first Elli." Papa calmly said pero halata mo sa mukha niya ang kaba.

"No. I want to know who are they. Bakit kailangan na nandito sila sa pag-uusap natin?"

Napatingin ako sa paghawak ng matandang babae sa kamay ni Papa na mas lalong nagpakunot ng noo ko. May ideya na naman ako kung sino ang matandang babae na katabi ni Papa pero wala akong ideya sa babaeng katabi ko. Halos kaedad ko lang yata ang isang 'to.

"She is your Tita Flor and that is Keyla..." He look hesitant for a second pero huminga siya ng malalim. "..your sister and our daughter."

"WHAT?!" Sigaw ko at hinampas ang lamesa.

"Calm down, Hija." I glared at Flor whoever she is.

"Elli, listen to me first." Mahinahon na sabi ni Papa.

"Ilang taon kang nawala?! Pa 7 years kang nawala, tapos babalik ka dito sasabihin mo sa'king may kapatid ako. Sana kinausap mo muna ako mag-isa." Tumayo ako at ginulo ang buhok ko.

"Ibig ba sabihin nito Pa, matagal mo na kaming niloloko. Ilang taon na ba 'to?" Turo ko sa katabi kong si Keyla na ngayon ay nakayuko.

"She has a name Elli, she's Keyla your younger sister. She's 18 years old. Isang taon lang tanda mo sa kanya."

"WHAT?!" Hinawakan ko ang sentido ko sa sobrang sakit ng ulo ko. "Pa, matagal mo ng niloloko si Mama!" I shouted angrily. "Ano pa bang pangloloko ang ginawa mo sa'min Pa? Please lang sabihin mo na lahat."

"Will you please calm down Elli." He stand up and tried to hold my hands but I quickly push him.

"How can I calm down Pa?!"

"Hindi ko alam noon na may anak kami ni Flor. She was my ex Elli. You know that your Mama and I have fix marriage by your Lolo's. Nagkita kami sa Ilocos by accident and we were both drunk. Umalis siya agad that night and I haven't heard any news from her." He tried to hold my arms again and I cannot move anymore so I let him. I'm tired of this shit.

The Lies Between Us (Lie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon