Sobrang sakit ng ulo ko. I open my eyes and felt terrified. Nakita ko ang hindi pamilyar na itsura ng kwarto. Pilit akong gumalaw pero biglang sumakit ang nasa gitna ng hita ko kasabay ng aking ulo.
"Shit!" I am wasted and sore.
I look around to look for that stranger. I can't believe it, binigay ko ang virginity ko sa isang estranghero tapos sa loob pa ng sasakyan!
Elliot Amelia nababaliw ka na. Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko habang sinasabunutan ang buhok ko sa pagkakaalala sa nangyari kagabi.
Tinaas ko ang comforter at nakita kong naka white t-shirt lang ako. Tumayo ako para hanapin ang damit ko, nakita ko ito sa ibabaw ng round table kasama ang purse ko. Tinignan ko ang cellphone ko pero wala na itong battery.
"My Gosh, wala na pala akong panty!" I said frustratedly to myself.
Necessary ba talaga ang pagwasak ng panty. Kung nasa tamang wisyo lang ako kagabi baka nasapak ko na siya.
Lumapit ako sa isang cabinet at naghanap ng boxer na kakasya sa'kin. I think this will do. Gusto ko ng makaalis dito. I quickly put my clothes on and the black boxer.
Ibabalik ko na lang siguro 'to.
Ay gaga ka, makikipagkita ka pa talaga ulit.
Nahanap ko ang stilettos ko sa gilid lang ng kama, agad ko itong sinuot.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto at sumilip sa labas. May konting liwanag pero wala akong marinig na ingay. Nakita ko sa orasan na 5 a.m. pa lang.
Fuck! lagot na naman ako kay Tito Andres.
Agad akong tumakbo palabas at nagtungo sa elevator. I don't have time to fix myself kahit maghilamos man lang. Pagkakita ko ng repleksyon ko sa elevator ay agad akong nagsisi. I'm a total mess.
Buti na lang walang masyadong tao sa lobby bukod sa mga receptionist. Tinakpan kong bahagya ang mukha ko at agad pumara ng taxi para makauwi.
Nang nakarating na ako sa aming bahay ay agad kong nakita si Tito Andres at Tita Beatrice sa labas. I see anger in my Tito's eyes.
"I'm so dead." I muttered to myself habang papalapit sa kanila.
"Where have you been Elli?!" My Tito shouted, agad siyang hinawakan ni Tita sa braso.
"I'm sorry Tito." Shit! Wala akong maisip na dahilan. Masyado pang lutang ang isip ko.
"My god Elli! Will you stop messing your life! Nung una pinagbibigyan pa kita because I know you're in pain pero college ka na. Nasa tamang edad ka na. You should start fixing your life."
I started crying. "Do you think I like this? Tito wala akong choice, sobrang sakit dito!" Sabay turo ko sa aking puso.
"Sa tuwing mag-isa ako naaalala ko lang kung paano kami iniwan ni Papa. Kung paano namatay si Mama. Iniisip ko kung ano ba kulang sa akin. Bakit hindi ako naging sapat para mag-stay sila. Kung bakit wala akong nagawa para hindi maisip ni Mama na magpakamatay. Tito ang sakit! Sa ganitong paraan lang nawawala yung sakit." Lumapit sa akin si Tita Beatrice na umiiyak at niyakap ako.
"No Elli, you have a choice. Hindi ang pagsira ng buhay mo ang solusyon sa problema mo. Nakita mo ba ang mga grades mo, it's all failing. Sa tingin mo matutuwa ang Mama mo kapag nakita ka niyang ganyan. She did everything to give you the life you deserve but now you're wasting it. Pinalago niya ang negosyo niyo para sayo, para sa future mo. How will you take care of the company kung ganyan ka. You may be an Alcazar pero Cayetano ka pa din, you have to fix yourself and start being responsible sa lahat ng pinaghirapan ng Mama mo. Stop bringing disgrace to Cayetano!" He madly shouted.
BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Lie Series #1)
RomanceAt a young age, Elliot Amalia Cayetano Alcazar, witnessed her perfect life fall apart into a million pieces. She was left alone with a broken heart and soul. She felt life played her savagely. As time goes by, Elli try to be a strong and fierce woma...