"Hey Elli, tulala ka na naman."
Napaangat ako ng tingin kay Maia na may dalang pagkain.
"Oh, kumain muna tayo." Sabay abot niya ng styro na may lasagna at isang bottled water.
"Thank you."
"Huwag ka ng mag-isip ng kung ano gf. For sure papasa ka sa special exam mo." Sabi niya habang sumusubo ng lasagna. "Yung research mo nga gustong gusto ni Sir Crisanto e."
Nang matapos namin kahapon ni Levi ang research ko ay pinasa agad namin ito kay Sir Crisanto. Nung araw din na 'yon ay sinabi sa akin na pasado ang research ko. Sobrang saya ko dahil naayos ko na ang grade ko sa marketing. Kanina ay kumuha na ako ng special exam sa finance. Nahirapan ako sa ibang problems kaya hindi ko maiwasang kabahan, baka 'di ko siya mapasa.
Pinaglalaruan ko lang ang lasagna na bigay ni Maia habang nakapalumbaba.
"Hay naku ka. Kumain ka na. Papasa ka Elli." Nilapit niya ang tinidor na may lasagna sa akin. "Sige na, say ahhh"
Umiling na lang ako at napangiti sa ginawa ng baliw kong kaibigan. Sinubo ko ito at pumalakpak siya.
"Nasaan ba si Levi?"
"Siya yung nag-aabang ng result. 'Di ko kayang dun maghintay. Mas kakabahan ako."
"Swerte mo gf, may tumutulong sa'yo. Kilig much." Sabay kindat niya sa'kin.
"Naawa lang siya sa'kin kaya tinutulungan niya ako."
"Okay Elli, maniwala na lang tayo na ganun nga." Maloko niyang sinabi.
Natapos na kaming kumain pero wala pa din si Levi.
"Lumabas na ba result?" Tanong ni Tania habang umuupo sa tabi ko.
"Wala pa."
"Saan si Chance? Himala hindi kayo magkasama." Tanong ni Maia sa kambal niya.
"Ewan ko dyan sa bestfriend mo. Sobrang busy sa bago niyang banda."
"Boyfriend mo yun, dapat support mo na lang."
"Napapabayaan niya ang iba niyang subjects."
Habang nagtatalo ang kambal ay nakita kong papalapit na si Levi sa amin. Agad akong tumayo at diretso siyang tinignan sa mata.
"Elli." Sabi niya habang nakayuko. Agad bumilis ang tibok ng puso ko.
"I failed." It's not a question. I knew it. Yumuko din ako at ramdam ko ang namumuong luha sa gilid ng mata ko.
Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Levi sa aking baywang, binuhat at inikot.
"You passed Elli!" Sigaw niya at sabay pakita ng test paper ko sa finance. Napahawak ko sa aking bibig at tuluyan ng naiyak.
"Bakit ka umiiyak? Pumasa ka Elli." Saad ni Levi habang nakakunot ang noo.
Tinignan ko siya ng masama at sinapak siya sa braso. Agad siyang natawa sa ginawa ko at ginulo ang buhok ko.
"Nakakainis ka! Akala ko bagsak na ko." Sigaw ko sa kanya.
"Congrat's Elli. I told you, papasa ka." Sabi ni Maia at niyakap ako.
"Elli ang galing mo! Let's celebrate." Yumakap na rin sa akin si Tania.
Nagpasya kaming kumain sa cafe ni Mike. Binalita ko din sa kanya ang pagpasa ng research na ginawa ko at nagpasalamat ulit ako sa tulong niya.
Umorder na kami ng mga pagkain at nilibre na ni Mike ang nga inumin namin. Nakita ko ang masamang tingin ni Levi ng magkausap kami ni Mike. Naalala ko tuloy ang nangyari sa tapat ng bahay namin. Napanguso ako at tinaasan siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Lie Series #1)
RomanceAt a young age, Elliot Amalia Cayetano Alcazar, witnessed her perfect life fall apart into a million pieces. She was left alone with a broken heart and soul. She felt life played her savagely. As time goes by, Elli try to be a strong and fierce woma...