"Elli, we received a letter from Ms. Leila last week. Nakalimutan ko lang. Inimbitahan niya tayo sa isang charity event. Kaso hindi kami makakapunta ng Tito mo, may importante kaming meeting ngayon." Sabi ni Tita Beatrice habang nag aalmusal kami.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya. "Sige Tita. Plano ko nga din bumisita sa kanya. Puntahan ko na lang siya mamaya kung may maitutulong ako."
She smiled and started eating again.
Pagkatapos naming kumain ay umakyat agad ako sa kwarto ko para magbihis. Nagtext muna ako kay Levi bago mag-ayos.
Elli:
Pwede mo ba akong samahan? Punta akong charity event ni Ms. Leila.
Levi:
Okay. What time?
Elli:
10 a.m. Nag aayos na ko.
Levi:
Mag-aayos na din ako. See you.
Elli:
See you. :)
Binaba ko na ang cellphone ko sa kama at nag-umpisa ng mag-ayos. I wear a burgundy crochet halter dress and a nude lace up heels. I ponytailed my hair and put a light make up. Makalipas ang isang oras ay nagtext na ulit si Levi.
Levi:
I'm outside.
Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas.
Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko siyang nakasandal sa kanyang sasakyan habang nasa bulsa ang kaliwang kamay. Nang nakita niya ko ay nagtaas siya ng kilay. Hinawi niya ang buhok niya gamit ang kanang kamay niya. Napakagat ako sa labi ko. His wearing a thight white longsleeves folded in half, tucked in a blue jeans and a black shoes.
Humalukipkip siya nang nakalapit na ako sa kanya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo niya nang nagtama ang aming mga mata.
"We need to do something about the way you dress baby."
Ngumuso ako at tinaasan siya ng kilay.
"Okay naman ang mga damit ko ah."
Hinila niya ako at niyakap. Hinaplos niya ang balat ko sa likod, nagtindigan lahat ng balahibo ko. Ilang beses na niya akong nahawalan pero iba pa rin ang pakiramdam ng bawat haplos niya.
"You're showing too much skin. It should be for my eyes only." He whispered in my ears.
Kinurot ko siya sa tagiliran niya at natawa siya agad.
"Puro ka kalokohan. Tara na nga."
Pumasok na kami sa sasakyan at panay pa rin ang tawa niya.
"I really like you when you blushed."
"Ewan ko sa'yo."
***
Nang nakarating na kami sa event ay sinalubong agad kami ni Ms. Leila.
"Elli buti nakapunta ka. Salamat pala sa tulong na pinadala niyo. Matutuwa ang mga bata nito." Masayang sambit ni Ms. Leila.
"Walang anuman Ms. Leila." Ngiti ko sa kanya pabalik.
"Tara pumasok na tayo sa loob."
Nauna nang maglakad si Ms. Leila at sumunod na kami ni Levi. Dumausdos ang braso ni Levi sa baywang ko. Nilingon ko siya at ngumisi lang siya.
"Dito na kayo maupo Elli." Turo ni Ms. Leila sa isang round table malapit sa mga batang nagpipinta.
"Anong pwede naming maitulong Ms. Leila?" Tanong ni Levi.
BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Lie Series #1)
RomanceAt a young age, Elliot Amalia Cayetano Alcazar, witnessed her perfect life fall apart into a million pieces. She was left alone with a broken heart and soul. She felt life played her savagely. As time goes by, Elli try to be a strong and fierce woma...