Hindi ko na alam kung paano nangyari pero lagi na namin siyang kasama. Gusto ko nga siyang iwasan pero lagi siyang inaaya ni Maia at nagkasundo pa sila ni Chance.
"Hi Babe!" Biglang akbay sa akin ni Sage. Hinawi ko agad ang kamay niya sa balikat ko at patuloy na nag-review.
"Sungit talaga." And then he pinched my nose.
"Hoy Sage close ba tayo. Dun ka nga. Shu!" Sigaw ko.
"Ano ka ngayon Sage ginawa kang aso." Sabi ni Maia at napatawa na din si Marcus na kasama niya. Napatingin ako sa lalaki sa harap ko at tinaasan lang niya ko ng kilay.
"Who is he? Your boyfriend?" Levi asked.
"Mukha ba silang mag-boyfriend, tinataboy na nga ni Elli." Sabi ni Maia at malisosyo akong tinignan.
"What is it to you, sino ka ba?" Galit na sinabi ni Sage.
Nagkibit-balikat lamang si Levi.
"Chill bro. Tara na. May praktis pa tayo." Marcus said at bigla na lang umalis si Sage.
"Mauna na kami Elli." Tinanguan ko lang si Marcus.
"Selos ang manok ko Elli." Bulong ni Maia sa akin.
"By the way, may party sa bahay namin sa saturday. Punta kayong lahat." Sabi ni Chance.
"Yes party again! Elli punta tayo ah!" Excited na sabi ni Maia.
"I can't. I'm grounded, remember?" Biglang lumungkot ang mukha ni Maia.
"I can talk to your Tito Andres if you want." Offer ni Tania sa akin pero tipid ko lang siyang nginitian.
"Or itatakas na lang kita Elli!" Masayang sabi ni Maia at agad naman siyang binatukan ni Tania.
"Baliw ka talaga edi lalong nalagot yang si Elli." Sabi ni Tania sabay iling sa kakambal niya.
"I'll see what I can do about it." I said to them at inumpisahan ko ng ligpitin ang gamit ko. "Mauna na ko, malapit na daw dumating si Manong Jun."
"Kasalanan mo kasi 'to Levi." Maia pouted and then Levi's forehead creased. Napatingin tuloy silang lahat sa akin.
"Bakit? Anong ginawa ni Levi?" Curious na tanong ni Tania. Pinanlakihan ko ng mata si Maia at napatakip lang siya sa bibig nya. Sarap talagang tahiin ng bibig niya.
"Wala, nag-joke lang ako. Alam niyo naman ako baliw, kung ano-ano lumalabas sa bibig ko." Paliwanag ni Maia pero mukhang hindi kumbinsido si Tania at Chance sa sinabi niya.
"Sige na, alis na ko." Tumayo na ko at umalis baka may masabi na naman itong si Maia.
Habang naglalakad palabas ay may humawak sa braso ko. Nagulat ako sa lakas ng paghitak niya kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Pag-angat ko ng ulo ko ay nakita ko ang naka-ngising si Levi. Agad akong lumayo at tinignan siya ng masama.
"Ano bang problema mo?!" I shouted at him.
"You're grounded because of me?" He said and I rolled my eyes. Tinalikuran ko na sya at 'di sinagot. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin.
"Is that because you went home late after we fucked inside my car." Sabi niya ng hindi man lang nahiya, ang daming tao sa paligid.
Hinarap ko sya ng bakas ang galit sa aking mukha. "Hoy Levi kalalaki mong tao pero ang daldal mo. Oo na, grounded ako dahil dun. Bakit naman kasi hindi mo na lang ako inuwi agad? Bakit mo pa ko dinala sa condo mo?"
He smiled playfully. "I thought you don't remember anything."
Shit! Ang gaga mo din Elli, daldal mo, pasampal na talaga ng isa. Tinalikuran ko na lang siya at patuloy na naglakad. Pero hinawakan niya ulit ako sa braso ko.
BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Lie Series #1)
RomanceAt a young age, Elliot Amalia Cayetano Alcazar, witnessed her perfect life fall apart into a million pieces. She was left alone with a broken heart and soul. She felt life played her savagely. As time goes by, Elli try to be a strong and fierce woma...