TLBU #29

64 12 4
                                    

"Ready?" I giggled.

"Always Gf!" She happily shouted.

After akong ihatid ni Sage sa condo ko, sinabi kong sabay na kami ni Maia na pumunta sa Route 28 Club mamaya. It took us two hours to prepared our most glorious and seductive look.

I chose a blue lace up backless satin bodycon dress while Maia was wearing a black crisscross open back sequin cami dress. Maia did my make up and hair for tonight–– curly hair messy bun and blend my eyes with soft smokey brown and black eyeshadow. Habang siya ay inayos lang ang pixie cut niyang buhok at naglagay ng light make-up. Sinong magsasabing may anak na siya? Maia's still alluring with her soft features–– narrowed chestnut eyes, glossy cupid Bow's lips, high cheekbones and perfect arched brows.

"Nagkita na ba kayo ni Chance?" Maingat kong tanong habang inaayos niya ang buhok ko.

Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "Hindi pa."

"Kung hindi mo pa kaya gf, pwede naman tayong h'wag ng magpunta."

Ngumiti siya at kinurot ako sa pisngi. "Okay lang ako." Tumalikod siya sa'kin para ayusin ang mga make-up na ginamit namin. "Hindi ko siya pwedeng taguan palagi. Kailangan ko din siyang harapin para maging okay na ko." Kahit kita kong nakangiti siya sa repleksyon niya sa salamin ay alam kong malungkot siya.

"Kailan mo sasabihin sa kanya ang tungkol kay Chase?" Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa likod. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at hinawakan niya ang braso kong nakapalupot sa baywang niya.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Ayokong maging selfish. Karapatan ng anak ko ang makilala ang ama niya. Nasasaktan ako sa tuwing hahanapin niya ang Daddy niya sa'kin. Hinahanda ko lang ang sarili ko, sa ngayon, kailangan ko munang ayusin ang sa'ming dalawa ni Chance. Ayokong galit siya sa'kin kapag nakilala niya si Chase. Baka madamay ang anak ko sa galit niya, gf. Ayokong masaktan ang anak ko. Kahit ako na lang, 'wag lang siya." Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Kita ko ang pamumula ng mata niya sa pagpipigil ng iyak.

"At iniisip ko din ang career niya. Paano kung kami ang maging dahilan ng pagkasira ng pangarap niya? Baka marealize niya na hindi kami worth it para isakripisyo ang natatamasa niya ngayon."

Tinanggal niya ang braso kong nakayakap sa kanya at hinarap ko sya sa akin. Nakangiti siya pero iba ang sinasabi ng mga malulungkot niyang mata. "At saka hindi naman niya ako mahal."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Mahirap talagang magdesisyon sa isang bagay na hindi mo alam kung saan ka lulugar.

"Puro tayo drama. Tara na nga." Kinuha na niya ang purse niya at hinila na ako palabas.

Nang nakarating na kami sa Route 28 Club ay agad kaming sinalubong ni Sage sa labas. He sexily smirked when he saw me. Matagal at mapang-akit ang pagtitig niya. Umiling lang ako at sinapak siya sa braso. Humalakhak siya ng malakas at lumipat ang tingin kay Maia.

"Long time no see Maia." Tinignan niya si Maia mula ulo hanggang paa. "Are you girls came here to party or make someone regret for being stupid?" Binatukan siya ni Maia sa sinabi niya.

"Mga amazona pa din kayo. Sasapakin niyo lang ba ako buong gabi?"

"Just shut your mouth Sage." Mapagbantang sabi ni Maia. Tumawa lang si Sage at sinamahan na kami kung saan sila nakaupo.

Kahit madilim ay natagpuan ko ang mga mata ni Levi na tila nagliliyab sa galit. Lumipat ang tingin niya sa kamay ni Sage na nakahawak sa baywang ko. Binaling ko na lang sa iba ang mata ko at hindi na siya muling tinignan. Lumapit ako kay Kuya Marcus para halikan siya sa pisngi bago kami umupo ni Maia. Nasa gitna ako ni Maia at Sage at nasa harapan naman namin si Levi, Chance at Kuya Marcus. Ang ibang kasamahan nila sa basketball game kanina ay nasa kabilang mesa. Maloko kong tinignan si Chance habang tulala at nakaawang pa ang bibig sa pagkakakita kay Maia.

The Lies Between Us (Lie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon