TLBU #32

66 9 1
                                    

Hindi ko alam kung makulimlim lang ba talaga o sobrang gloomy ng feeling ngayon sa loob ng van. Tahimik kaming lahat sa biyahe. Hindi na bumalik si Chance at Tania kagabi. Napagpasyahan namin na umuwi na lang dahil may paparating daw na bagyo kaya hindi rin kami makakapag water activities.

When I saw Maia this morning, she was smiling widely to us like nothing happened last night. Alam kong nasasaktan siya dahil iba ang pinapakita ng mga mata niya. Maloloko niya ang ibang tao pero hindi ako. Alam ko ang pagpapanggap na ginagawa niya dahil madalas ko din iyong gawin. Yung ipapakita mo sa ibang tao na okay ka pero ang totoo ay gusto mo ng sumabog sa sakit. Hindi ko na rin siyang pinilit na magsalita dahil mukhang umiiwas siya sa usapan na 'yon.

Pagkarating namin sa condo nila Maia ay tinulungan sila ni Kuya Marcus na iakyat ang mga gamit nila. Yumakap ako kay Maia at hinalikan siya sa pisngi bago kami nagpaalam.

Pagkarating namin sa bahay ay umakyat agad si Kuya Marcus sa kwarto niya. Dito ko muna naisipang umuwi dahil sa sobrang pagod.

"Elli, can we talk?"

"Of course Dad. What is it?" Binaba ko ang hawak kong juice at umayos ng upo.

My Dad came closer to me and handed me the same invitation that Levi gave me. I accepted and opened it. I sighed and my Dad was looking at me seriously like he was reading what's on my mind.

"If you don't want to come, I'll just send your Kuya Marcus in behalf of us." He softly said.

"Punta tayo Dad." I said without looking at him.

He sighed and I felt his hand brushing my hair. "Don't worry, we will always stay by your side."

"Ikaw Dad, okay lang ba sa'yo?"

"Your Papa invited me and your Tito Andres last week to a dinner." Nagulat ako sa sinabi ni Dad kaya hinarap ko siya at binigay ang buong atensyon ko sa sasabihin niya. "Hindi ko na sasabihin lahat ng napag usapan namin but he said his sorry to me, especially to your Tito Andres about the incident before." I nodded and smiled at him. "You should talk to him Elli. I know how much he hurts you and your mama but you need to forgive people even though they don't deserve it." He hugged me. "Your Papa Alfredo is dying. He was diagnosed with stage 3 lung cancer. And he wished to celebrate his last birthday with you."


I felt my world crashed when I heard about his condition. My tears started to fall down and I felt my Dad's hug became tighter.

My papa may have hurt me a lot but I never wished him to suffer like this.

I feel like I'm walking in air as I walked inside the function room of the hotel where my Papa's birthday will be held. Nakahawak ako sa braso ni Dad at nasa kabilang gilid ko naman si Tito Andres. Habang si Kuya Marcus at Tita Beatrice ay nasa aming likod.

I immediately saw my Papa with Tita Flor beside the stage. Napansin ko agad ang sobrang kapayatan ni Papa. His smiling while talking to people pero pansin ko ang hirap niya sa paghinga kaya madalas siyang tumigil sa pagsasalita.

Nang nakalapit na kami sa kanila ay sabay nila kaming nilingon ni Tita Flor. Nginitian agad kami ni Tita Flor habang si Papa ay nag-umpisa ng umiyak. Lumapit agad sa kanya si Keyla na nakaupo sa 'di kalayuang round table.

Napaiyak na din ako na makita si Papa na nahihirapan ng ganito. Kita ko sa kanyang mga mata ang pagsisisi at pangungulila sa'kin. Inalalayan siya ni Keyla at Tita Flor para lumapit sa akin. Bumitaw ako sa pagkakahawak sa braso ni Daddy at tinakbo ang distansya namin ni Papa.

Mahigpit naming niyakap ang isa't isa habang patuloy sa pag-iyak.

"Pa-patawarin mo s-sana ako anak sa la-lahat ng ginawa kong mali sa'yo. Mahal na mahal kita Elli." Hirap na hirap na pagkakasambit ni Papa. Mas humigpit ang yakap ko sa kanya at binaon ang ulo ko sa kanyang balikat. "Walang araw na lumipas na hindi kita naiisip. I'm regretting all the things I've done to you. F-forgive me my princess. I'm sorry."

The Lies Between Us (Lie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon