"Narito po tayo ngayon sa labas ng Makati Police Station upang saksihan ang pagsuko ni Mr. Alfredo Alcazar na siyang Head Engineer nang gumuhong gusali kung saang 16 na tao ang naitalang namatay. Sinubukan natin siyang hingan ng panayam subalit tumanggi ito. Ayon sa kanyang abogado ay handa raw harapin ng kanyang kliyente ang lahat ng kasong isasampa sa kanya at humihingi ito ng tawad sa lahat ng pamilyang naulila dahil sa nangyaring aksidente. Magbabalik ang TV8 News Update."
Kita ko sa TV si Papa na pinagkakaguluhan ng mga tao habang papasok sa loob ng police station. Ang abogado lamang niya ang kasama niya. Kahit papano ay naaawa ako sa kanya lalo na't ang laki ng pinayat niya at bakas sa kanyang mata ang pagod.
Pinatay ko ang TV at ininum ang wine na hawak ko. Tatlong linggo matapos ang komprontasyon na nangyari sa'min ay nabalitaan ko na lang na haharapin ni Papa lahat ng kaso dahil sa nangyaring aksidente.
"Elli." Lumingon ako sa gilid ko at nakita si Tita Beatrice. Tumabi siya sa'kin at hinaplos ang aking buhok. "Sinusubukan ng Tito mo na ibangon ulit ang kompanya ng Mama mo pero baka mahirapan tayo."
"Tutulong ako Tita." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.
"Ilang araw na lang graduation mo na. Mag focus ka na muna doon."
"Okay lang Tita. Pag-aayos na lang naman ng requirements sa graduation ang pagkakaabalahan namin. Pwede naman akong makiusap kay Maia na siya na ang mag-asikaso at wala rin akong balak pumunta sa graduation ball."
Tumango si Tita at niyakap ako. "Magiging okay din ang lahat."
I called Maia and asked her to fix my requirements for our graduation. Pinilit niya akong pumunta sa graduation ball at siya na daw ang bahala para hindi kami magkita ni Levi.
Ilang araw siyang nagtangkang kausapin ako kapag nasa school kami pero pinipigilan siya ni Maia. Hindi naman siya nagpupumilit na makausap ako. Lalapit lang siya at magtatanong ng isang beses pero kapag nilayasan ko na siya ay hindi niya ako hinahabol.
Nang dumating na ang araw ng graduation ball namin ay walang humpay ang pagtawag ni Maia sa'kin. Pinipilit pa rin niya kong magpunta. Pinatay ko ang cellphone ko at iniwan sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama ko. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at nagpunta sa isang bar malapit sa bahay.
Nang nakapasok na ko sa bar, umorder agad ako ng dalawang tequila shots. Magkasunod ko itong ininum. Sumenyas ulit ako sa bartender at umorder pa ng tatlo. Nang naramdaman ko na ang epekto ng alak sa aking katawan ay nagpasya akong pumunta sa dance floor. Hirap man sa paglalakad dahil sa hilo ay nakarating ako sa gitna ng dance floor.
Boost party musics.
Cocktail drinks.
One broken heart.
I waved my hands in the air, swayed my hips to the groove and closed my eyes cause I can't feel anything anymore. I am drunk and wasted.
Naramdaman ko ang marahas na pagbuhat sa'kin ng lalaking kinamumuhian ko. Pinaghahampas ko siya habang buhat niya ko.
"Let me go! You fucking liar!" I shouted.
Pero walang epekto ang pagpupumiglas ko dahil sa lakas niya. Binaba niya ako sa gilid ng sasakyan niya at pinagbuksan ng pinto.
"Get in Elli." I looked straight into his eyes, I saw how broken he was. Fucked him. Siya pa may ganang masaktan.
"Ayoko! Umalis ka na! 'Wag ka ng magpapakita sa'kin." Tinulak ko siya ng buong lakas ko. Tumakbo ako at basang basa na sa lakas ng ulan. Wala na kong pakialam. Gusto ko na lang malayo sa kanya.
Narinig ko ang pagsunod niya sa'kin kaya binilisan ko pa ang pagtakbo ko pero nahabol niya pa rin ako at hinawakan sa magkabilang braso.
"Elli I'm sorry. I didn't mean to lie to you. Believe me. I love you." Sinampal ko siya.
BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Lie Series #1)
RomanceAt a young age, Elliot Amalia Cayetano Alcazar, witnessed her perfect life fall apart into a million pieces. She was left alone with a broken heart and soul. She felt life played her savagely. As time goes by, Elli try to be a strong and fierce woma...