Unknown Number:
Can I see you, princess?Unknown Number:
I know I hurt you. But believe me hindi ko gustong iwan kayo. If you will just let me explain everything.Unknown Number:
Believe me, I love you.Unknown Number:
Bumalik din ako para sa'yo Elli. Please forgive me.Unknown Number:
I will wait until you are ready to talk to me. I miss you.Binaba ko ang wine glass sa gilid ko. Pinapadyak ko ang paa ko na nakababad sa swimming pool namin.
Binasa kong muli ang mga text ni Papa sa'kin. Hindi siya pumapalya ng text araw araw. Kinuha ko ulit ang wine glass at inubos ang laman nito.
Narinig ko ang mga yapak na papalapit sa'kin. Lumingon ako at nakita ang seryosong si Tito Andres na may dala ding wine glass. Tumabi siya sa'kin at nilublob ang paa sa pool. Kinuha niya ang wine at nag-salin sa baso niya.
Tumingala ako at pinagmasdan ang mga bituin sa langit.
"You're a brave girl Elli. You face a lot of battles in life but still continue to fight it and I'm really proud of you."
Hindi ko siya nilingon at patuloy pa din ang pagtingin sa mga bituin.
"I know that your heart and mind were fighting right now kung kikitain mo ang Papa mo o hindi."
"Mali ba Tito kung ayaw ko na siyang makita dahil sa ginawa niya?"
"Lahat tayo galit sa ginawa ng Papa mo. Nagalit din ako, nang nalaman kong babalik siya para sa kompanya ng Mama mo at para kunin ang shares niya. Ang daming pagkakataon ang binigay natin sa kanya na bumalik at magpaliwanag pero sinayang lang niya."
I breathed deeply and closed my eyes.
"Basta kung ano man ang maging desisyon mo, rerespetuhin at susuportahan ka namin ng Tita Beatrice mo. Mahal ka namin Elli. Ikaw na ang naging anak namin. Kaya kapag nasasaktan ka, nasasaktan din kami. Kapag nahihirapan ka, nahihirapan din kami."
Tinignan ko siya at nangingilid na ang luha ko. Nang mamatay si Mama ay sila ng dalawa ni Tita Beatrice ang nag-alaga sa akin. Kahit anong kalokohan ang ginawa ko ay 'di nila ako iniwan. May sakit si Tita Beatrice kaya hindi na sila nabiyayaan ng anak.
Ngumiti si Tito at ginulo ang buhok ko. Ininum niya ang wine niya at tumingala na rin para tignan ang mga bituin.
"Look how messy the stars in the sky Elli."
Tumingala din ako.
"If they can shine in the darkness, so can you, our brave princess."
Tumango ako at tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko. Naramdaman ko ang pagyakap sa'kin ni Tito Andres.
"Ano man ang mangyari, you'll always have us. We won't leave you no matter how messy the situation because you are worth it. Always remember that." He softly said as he kissed me on my temple.
***
Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin ay may kumapit sa kanang braso ko.
"I miss you my gorgeous and yummy as always girlfriend!" Hinalikan ako ni Maia sa pisngi.
Naramdaman ko namang may humawak sa kaliwang kamay ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Tania.
"Are you ready for another hell year in this school?" She said and winked at me.
Nagtawanan na kaming tatlo.
Nasa classroom na si Levi at Chance ng dumating kami. Naupo na ko sa tabi ni Levi at nginitian ko siya.
Tumunog ang cellphone ko sa isang tawag. Sabay kaming napalingon ni Levi sa cellphone ko at nakita kong si Papa na naman ito.

BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Lie Series #1)
RomansaAt a young age, Elliot Amalia Cayetano Alcazar, witnessed her perfect life fall apart into a million pieces. She was left alone with a broken heart and soul. She felt life played her savagely. As time goes by, Elli try to be a strong and fierce woma...