I'm looking at the cool water that laps at my feet, fizzing and bubbling like brine. I put my gaze to the far off horizon, the flaring hues of the sun melting into the sky and ocean like a divine painting. I can't help but to smile and close my eyes as the wind caresses my face. I felt someone hugged me from behind making me open my eyes.
"Elli, senti mode ka naman dito?"
I chuckled. "Relaxing lang talaga dito sa beach. Nasaan si Chase?"
"Nandun sa Daddy niya. Hindi mapaghiwalay e."
"Ang saya ni Chase ngayon. Ikaw ba?"
She let out a deep breathed and tightened her hug on me. "Basta masaya si Chase, masaya na din ako."
"Kamusta kayo ni Chance?"
"Civil lang. Para kay Chase. Inalok niya ko na sa kanya na kami tumira. Sabi niya na siya daw ang bahala sa'ming dalawa. Babawi daw siya lalo na kay Chase." Naramdaman ko ang panginginig niya. "Inalok niya ko ng kasal para daw mabigyan ng buong pamilya si Chase." Natawa siya. "Biruin mo, handa niya kong pakasalan kahit hindi niya ko mahal. Papakasalan niya lang ako dahil may anak kami."
Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa'kin at at pinunasan ko ang mga luha niya sa pisngi.
"Baka naman mahal ka na ulit ni Chance. Ayaw mo ba siyang bigyan ng pagkakataon?" Malumanay kong tanong.
"Ewan ko ba gf. Hindi ko kasi maramdaman. Ibang iba na ang mga tingin niya sa'kin ngayon. Hindi na katulad dati nung mahal pa niya ako."
Niyakap ko lang siya hanggang tumigil siya sa pag-iyak. Hindi ko alam ang mga tamang salita na sasabihin sa kanya dahil kahit ako ay hindi alam ang tumatakbo sa utak ni Chance at kung sino talaga ang laman ng puso niya.
"Bakit nga pala may sumulpot na white lady dito?" Bumalik na ang pagiging mataray niya.
Sabay kaming lumingon sa kubo kung nasaan ang mga kasama namin. Tanaw mula dito si Levi at Ji-hyo habang nagtatawanan. Pinipilit ni Ji-hyo si Levi na isubo ang pakwan na hawak niya.
Umirap lang ako sa hangin. "May business meeting daw malapit dito."
"Sus. Alam ko mga galawan niya. Business meeting pa siyang nalalaman e mukha namang sinundan lang niya tayo."
"Hayaan mo na. Nandito tayo para magsaya. 'Wag muna nating pansinin ang mga ganyang bagay."
Hinila ko na siya at pumunta na kami sa kubo. Umupo kami sa tapat nila Levi dahil doon na lang may bakante.
"Mommy look! Ang dami naming nakuha na seashells ni Daddy at Tito Sage." Masiglang tumatakbo palapit sa'min si Chase habang dala ang isang supot na puno ng mga seashells.
"Careful baby boy. Baka madapa ka." Sinalubong ni Maia si Chase na may dalang towel at pinunasan si Chase. Huminto sa harapan nila si Chance at masayang nakatitig sa mag-ina niya.
Biglang may humarang sa paningin ko kaya nag-angat ako ng tingin. Sumalubong sa'kin ang nakangising mukha ni Sage. Tumabi siya sa'kin.
"Babe can you get my towel?" He cutely asked while pouting.
I shook my head while smiling. Kakaiba din talaga ang kalandian nitong kaibigan ko. Wala akong nagawa kundi kunin ang towel niya dahil mas malapit ako dito.
BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Lie Series #1)
RomanceAt a young age, Elliot Amalia Cayetano Alcazar, witnessed her perfect life fall apart into a million pieces. She was left alone with a broken heart and soul. She felt life played her savagely. As time goes by, Elli try to be a strong and fierce woma...