TLBU #23

96 14 0
                                    

When a flower blooms, it's beautiful for a while, and then it dries up.

When there's a storm, the rain and thunder may rage all night. But that passes, too.

Everything in this world is temporary. You live your life believing everything they tell you. Then one day your world will turn upside down in an instant, and your life will never the same again.

I breathed deeply as I looked around in the airport. It's been 5 years since I left the Philippines.

Umalis ako para hanapin ang sarili ko. It's never an easy journey. Marami akong narealize at marami din akong pinagdaanan. Marami mang nawala sa buhay ko, may mga tao namang dumating at pinaramdam sa'kin na karapat-dapat akong mahalin.

"Ms. Elliot Amalia Fontanilla, ito na po ang passport niyo. Welcome back to the Philippines."

Nginitian ko siya at kinuha ang passport ko sa kanya. "Thanks. It's good to be back."

Sinalubong agad ako ni Manong Jun paglabas ko ng airport. Kinuha niya ang mga dala kong maleta at nilagay sa likod ng sasakyan. Sumakay na ko at hinintay siyang matapos. Nang nakapasok na si Manong Jun ay sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan at tumingin sa kawalan.

"Manong, ibaba niyo na lang po ako sa F&C. Tapos kayo na pong bahalang mag-uwi ng mga gamit ko sa condo."

"Sige po Ms. Elli."

Nang nakarating na kami sa F&C ay bumaba na ako agad at umalis na si Manong Jun. Tinanaw ko ang matayog na kompanya namin dati na iba na ang pangalan ngayon.

Pumasok ako sa loob at natanaw ko agad ang malaking pangalan ng kompanya na nakasulat sa kulay blue at silver "Fontanilla & Cayetano Group of Company."

Nginitian ko lahat ng empleyado na nakakasalubong ko. Sumakay ako ng elevator at pumunta agad sa 16th floor.

Huminga ako ng malalim ng tumapat sa pintuan kung nasaan ang opisina ng kapatid ko.

Binasa ko ang nakasulat sa pintuan at mas lalong nangiti. "Marcus Axel Cortez Fontanilla - Chief Operating Officer"

Binuksan ko na ang pintuan at tumambad sa akin ang seryosong si Kuya Marcus na nagbabasa ng mga documents. Nakasuot siya ng salamin, salubong ang kanyang kilay at nakakunot ang kanyang noo. Ang gwapo niya talaga kapag nakasuot ng coat.

"I'm back!" Sigaw ko na nagpaangat ng tingin niya sa akin. Mas lalong kumunot ang noo niya. "Grabe ka Kuya, hindi ka ba masaya na makita ako?"

"Bakit dumiretso ka dito? Dapat nagpahinga ka muna." Seryoso ang boses niya at hindi talaga natuwa sa pagkakakita sa'kin.

Humalukipkip ako at nginusuan siya. "Bawal ba, miss lang kita. Wala man lang bang hug dyan sa kuya kong pogi."

He chuckled and shook his head. Tumayo na siya at niyakap ako ng mahigpit. "I miss you Elli."

I smiled widely. "I miss you, too Kuya."

"Bakit nag-condo ka pa? Dapat sa bahay ka na lang umuwi. Mas matutuwa pa si Daddy." Napakaseryoso talaga nitong kapatid ko. Umupo ako sa swivel chair niya at nagpaikot-ikot dito.

"Dadalaw naman ako madalas Kuya. Tsaka magtatampo si Tito Andres at Tita Beatrice kapag sa inyo ako umuwi kaya okay na ding nasa condo ako."

"Matatapos na ang meeting ng Tito at Tita mo. Puntahan mo na lang sila mamaya."

"Sabay sabay na tayong mag lunch Kuya. Nagugutom na din ako."

Pumunta kami sa malapit na restaurant kasama si Tito Andres at Tita Beatrice.

The Lies Between Us (Lie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon