Kabanata 1

2K 39 1
                                    

Party

We dance the whole night. May nakilala rin akung ibang foreigner. May artista rin na napadpad sa gawi namin at sinasayaw kami. Halos halo-halo na ang na inom ko at may tama na ako. But I remain my self calm dahil binabantayan ko si Blace. Blace is hot as hell. Baka bigla nalang mawala ako pa paghanapan ng pinsan nya.

May nakasayaw rin ako na vlogger at ibang international models. Yung iba naman ay niyaya ako to have a alone time with them pero agad akung tumanggi. I will remain my self dignified. Umupo muna ako sa upuan namin at nag pahinga. Pero hindi ko inalis ang mata ko kay Blace. Ang hirap na e wala akung dalang pamasahe at tsaka di ako pamilyar sa lugar na 'to.

Ng nakita kung may nanghihipo na sa kanya ay agad ko syang hinatak paalis doon at pinapaupo. Girl, ano 'yon!

"Stay! Binabastos naka don, Blace."

Tumango lang sya pero nakapikit na. Lasing na 'to. Tinawag ko ang waiter para maka order kami ng gatorade. Para naman mahimasmas 'tong kasama ko. Jusq wala akung plano magpa umaga sa lugar na 'to.

Pinatulog ko muna sya ng ilang minuto. Bat ba kasi nag lalasing 'tong gaga. Wala naman syang naikwento saakin na nangyari ah.

Hours passed by, nakauwi ako ng ligtas. Diko natiis na itext ang pinsan nya na kunin kami sa bar na pinuntahan namin. Wala ng malay si Blace na dinala namin sa kwarto nya dahil sa sobrang kalasingan. Habang ako naman ay hinatid ng kanilang driver.

"Salamat manong." At sinirado ko ang gate.

Bandang alas 3 ng madaling araw na ako natulog dahil naligo pa ako at tiningnan kung may email or text man lang si daddy. Gusto ko lang kumustahin ang ama ko. Pero diko alam kung bat ako nangungumusta sa madaling araw.

Sumalampak ako sa higaan ko pagkatapos kung eemail si Daddy at natulog.

Nagising nalang ako ng may narinig akung sobrang lakas ng sigaw mula sa baba ng apartment ko kaya tinanaw ko 'to sa bintana at nakita kung dinungaw rin ako ni Blace na may dalang pagkain. Ano oras naba?

Tiningnan ko ang wallclock. Ala 1:30 pm na pala. Medyo napasarap ang tulog ko ah. Bumaba ako habang inaayos ang sarili. Di naman makalat ang bahay at tsaka wala naman 'yong pake pagmalakat o hindi ang importante makakain na 'yon.

Pinapasok ko sya at agad nyang binitawan ang dala nya. Dumiresto syang humiga sa couch at pinikit ang mga mata. I bet, 500 bucks, may hangover parin 'to. Habang hinahanda ko ang pagkain sa kitchen ay bigla nalang syang uminada na parang nasasarapan. Kaya dali-dali akung lumabas doon at tiningnan sya na menamasahe ang kanyang likuran.

Napairap nalang ako sa kawalan saking nakita. "Jusq naman, Blace. Marami akung kapit-bahay na tsimosa baka tingnan pa tayo dito na nag aano."

Tiningnan nya ako habang menamasahe likod nya.

"Edi silipin nila tayo. Pake ko sa kinala." At agad humiga muli.

Bumalik ako sa kitchen para dalhin ang binili nyang pagkain. Nasanay na akung dito kumain. Gaga din kasi 'tong si Blace e.

Kumain kami ng tahimik. Seryoso syang tumingin sa Tv habang ako naman ay sa pagkain na dala nya. Ang rami naman 'to. Pwedi pa 'to kakainin mamayang gabi. Ereref ko nalang. Nag presinta na mag hugas ng pinggan si Blace kaya hinayaan ko nalang sya.

"Aalis ako mamayang gabi." Nag salita sya bigla.

Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay. "Bakit? San ba gala mo?"

"Hongkong diba. 1 week kami don. Gusto sana kita isama pero sabi mo uuwi ka."

Ngumuso ako at pinagpatuloy ko ang panonood. Mga bandang alas 4 ng hapon ay nagpaalam na si Blace na uuwi dahil flight nya mamayang alas 9. Habang ako naman ay nag iimpake dahil uuwi na rin. Nagpa book na rin ako ng ticket. Ayoko muna mag babarko.

To Love Again (Isla del Fuego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon