Kabanata 44

996 27 1
                                    

Wept

Agad na sumabak sa actingan ang mga anak ko. Kaya gabi na kami umuwi at tulog sila sa sasakyan ko. Medyo malayo-layo rin ang workshop na pinag enrolled ko sa kanila dahil ang ibang workshop ay hindi na tumatanggap. I have no choice left but to enrolled them into far places.

Patungo na kami sa condo namin. I'm not going anywhere after this. Sobrang pagod ako at gutom. I have to stay home and take a deep relax.

Pagpasok ko sa parking lot ay iksaktong nandon din ang sasakyan ni Zarel. Damn! Alam nya na ba na nandito ako nakatira? No way!

I called Mary immediately.

"Mary..."

"Hmm?"

"Nandito ang sasakyan ni Zarel. What should I fucking do? I have my kids right now at tulog silang lahat." At tiningnan ko ang sasakyan nya sa malayo.

"Saan kayo?" She ask.

"Parking lot. Nasa may gitna kami."

"Okay. I'm on my way." At binaba nya na ang tawag.

Mabilis ang hininga ko habang tinitingnan si Ylai at Yla na mapayapang natutulog sa backseat. Please... diko kaya mawala ang mga patatas ko. Sila nalang ang meron saakin. The world shuts me and all I have is them. I can't.

I saw Mary walking to Zarel's car thats why I beep her. Nilingon nya ang sasakyan ko at mabilis syang tumakbo.

"My gosh! You're finally here. Kanina pa nag hihintay sa taas si Zarel with his gang. What took you so long, anyway?"

Napakagat ako sa labi ko. Ano nanaman ang kailangan nila? I said I want to rest.

"Doon muna kayo matulog sa mansyon ni dad, Mary. Is it okay with you? Or rent a hotel near here? I have to deal with this bastard."

Nagkabit balikat lang sya kaya bumaba ako sa sasakyan at binigay ang mga susi. "Call me kung saan ako matutulog for tonight. Sorry for inconvenience, Mary."

Ngumiti lang sya at agad na pinaharurut ang sasakyan. Agad naman akung nagmamadali na pumunta sa unit ko. Mas mabilis pa sa alas kuwatro ang kabog ng dibdib ko. Sana naman nakaligpit lahat ng laruan ni Ylai at Yla. Ayoko makita nila 'yon at maghahanap nanaman ako ng rason para tanggihan ang mga paratang nila.

Pagdating ko sa unit ko ay nakita kung nakatayo ang mga men in black ni Zarel. Eh? Kailan pa nag hire ng mga julalay si Zarel? At kailan pa naging bakla si Zarel? Ano gagawin nya dito sa mga men in black?

Pumasok ako and I saw him holding a pink bottle with barbie design and black toy car! Sabihin nyo saakin na mali ang iniisip ko? Fuck this shit!

"A-anong ginagawa mo dito?"

Nilingon nya ako at umayos sya sa pagkakaupo. Namumula ang kanyang mga mata at ilong. No... don't tell me Mary told him na may anak sya saakin.

"Kanino 'to?" Tanong nya.

Kung double ang kaba ko kanina ay ngayon naging triple na. But I have to act normally. Di nya pwedi malaman na may anak pala kami.

"Sa dating may ari ng unit na 'to." Kalmado kung sabi.

Mariin nya ako tiningnan habang hawak nya parin ang bottle at toy car. "That maroon carpet..." turo nya sa malayong bahagi na may nakakalat na laruan. "Don't tell me na sa dating may ari rin yan? Dilang nala naligpit dahil nagmamadali nang umalis. Ganun ba, Astrid?"

To Love Again (Isla del Fuego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon