Kabanata 2

1.6K 44 1
                                    

Spend

Mga ilang minuto na umalis si Blace kaya nilagay ako ang gamit ko sa kwarto ko ata agad naligo. Ginagawa ako ang dapat gawin at nag bihis ng pambahay. San nanaman kami gagala ni Blace? Don't tell me mag babar nanaman 'yon? Kahit kailan talaga hindi uso ang salitang umay sa kanya. Kahit ilang beses na ulit-ulitin di parin.

Mga ilang minuto ay may kumatok kaya pinagbuksan ko 'to. Tumanbad saakin ang dalang paper bag ng naka itim na polo na lalaki habang sa likod naman nya ay ang Ama ko na walang ginawa kundi nakatoun ang sarili sa cellphone nya.

Pinagbuksan ko sila at nilagay naman 'yon ng mga tauhan nya ang mga pinamili. Habang si Daddy naman ay nasa labas parin at may kinakausap. Minsan na nga lang sya pupunta dito, pati dito naman sa apartment trabaho parin ang iniisip. Pagkatapos ng ilang minuto ng tawag na 'yon ay pumasok na sya. Kita mula dito sa kusina. Umupo sya at tinitingnan parin ang screen ng kanyang cellphone. Ano, Daddy? Di mo man lang ba ako kukumustahin at tatanungin kung okay lang ba ako? Di mo ba ako tatanungin kung kumusta na 'yong study ko? Ano? Kinukumusta mo na ba si Lola sa probensya? Ang dami kung katanungan pero ni isa walang lumabas sa bibig ko dahil sa takot.

Pinagtimpla ko sya ng kape at binigay ko 'yon sa kanya. Walang nag salita saming dalawa habang ako naman ay nag titipa rin sa aking cellphone.

Me: Blace, nandito Daddy ko.

At sinend ko 'yon sa kanya. Nilagay ko ang phone sa bulsa ko. Hinipan nya ang kami at tiningnan ako ng walang emosyon.

"I already paid your tuition. Nagpadala na rin ako sa Lola mo. At tsaka, nag hulog na rin ako ng pera sa bank account mo. I also paid your bills dito sa apartment mo. Wala kanang babayaran for the next 2 months. What else do you want?"

Lumunok ako at di sya tiningnan. Minsan, napapatanong nalang ako sa sarili ko kung bakit binigyan ako ng Ama na katulad nya. Kahit na minsan diko maramdaman na mahal ako ng lalaking 'to. Naalala ko nung sinabi saakin ni Lola na hindi sya sumipot noong first birthday ko dahil sa negosyo nya daw. Yung mga araw na kailangan ko ng magulang para sa family day sa school. Pero walang ama na pumunta dahil busy daw sya sa kung anong mga bagay. Buti pa 'yon binigyan nya ng pansin. E samatalang ako na anak nya at dugo't laman wala syang pake.

Umiling ako at tiningnan sya. "Wala na, Dad. Salamat."

Naramdaman kung may namumuong bukol sa lalamunan ko kaya hanggang maari ay hindi dapat ako mag drama sa harap nya dahil hindi naman kami close neto.

Biglang nag beep ang cellphone ko kaya kinuha ko 'to. Binasa ko ang messege ni Blace na nakapagpa irap saakin sa kawalan.

Blace:

Oh, why so sudden naman? Wait, papunta na rin naman ako d'yan pero sa labas nalang ako mag aantay.

Diko na sya nireplyan at nilagay ang cellphone ko sa bulsa. Tinuon ko nalang ang mata ko sa mga bagay na nandito sa harap ko. Hindi parin umalis si Daddy sa apartment ko kaya hindi ako umimik.

"I have to go. Email me or text me anything you want." At lumabas lang sya ng apartment.

Tiningnan ko lang sya hanggang nawala sya sa harapan paningin. 'Yon na 'yon? Ibibigay lang 'tong mga bagay na 'to tas aalis? Di man lang ba ako namiss ng ama ko? Umupo ako at tiningnan ang mga dala nya. May mga damit 'yon at bagong laptop. May bagong mga dress rin at may groceries. Actually, I don't really need this material things kung ang kapalit naman neto ay pagkawalan ng oras ng sarili kung ama.

Kinuha ko ang tatlong eco bags ng groceries at nilagay sa ref. Yung iba naman ay nilagay ko sa lalagyan. Tama na rin na binigyan ako ni daddy neto dahil wala na akung time mag grogroceries.

To Love Again (Isla del Fuego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon