Kabanata 37

942 27 1
                                    

Welcome home

"Mommy? Maganda po ba ang Philippines?" Tanong ni Ylai.

Tumango ako. Base sa history, isa ang pilipinas sa mga pinakamagandang lugar sa buong mundo. "Oo naman, sweetheart. At pupunta kaagad tayo doon." Sagot ko at sinuklayan ang buhok ko.

We're on our way to Philippines. Ngayon, nasa China kami for the stop over. Our next trip will be tomorrow morning. Nagpapalipas lang kami ng gabi dito dahil may bagyo pa ngayon sa pinas kaya imbes na mapapaaga kami sa exhibit ay parang malelate pa ata kami. Nag takbuhan sa loob ng hotel room sila Ylai at Yla dahil nag lalaro sila. Mary is sleeping peacefully in her hotel room habang si tita naman ay nagpaiwan sa airport para mag hanap ng flight.

"Ylai, Yla, stop it. Take some rest. Maaga ang flight natin." Saway ko sa dalawa.

Nakinig naman sila kaya agad silang pumunta sa queen size bed namin at nag dasal muna bago matulog. Isa yan sa pinaka importante na aral na tinuro ko sa dalawa. Ang mag dasal. Kahit walang hingin, pray. Magpapasalamat sa panginoon, pray. Sa lahat ng biyaya ay dapat mag pray. Noong, two years old palang sila ay tinuro kuna iyan sa kanila. At ngayon malapit na sila mag fofour ay naapply na to.

I bet, nandito daw ang pinaka magandang hairstylist ng China. So I decided to cut my long hair before I enter Philippines. Tsaka, mahaba na ang buhok ko. Tutubo naman ito muli kaya hindi ako mag hihinayang. Pumasok si Mary sa hotel room namin dahil sinabihan ko sya na mag papagupit ako ngayon at walang mag babantay sa kambal.

"Aalis kana?" Bulong nya.

Tumango ako at tumingin sa kanila. "Oo, pakibantay ha? Babalik ako muli pagkatapos."

Ngumiti lang sya. Umalis na ako at ako na mismo ang nag lock ng pinto. This is my first time here in China. Kaya hindi ako mag tataka na nawawala ako dito. Paglabas ng hotel ay may nakita akung parlor kaya doon nalang ako pumunta.

Pagkapasok ko ay puro pinoy ang nakikita kung gumugupit kaya lumingon ako sa labas.

"Hi, Miss. What do you want? Please sit here." At
Inabot saakin ang brochure.

"Papagupit sana ako... hanggang balikat." Sabi ko gamit ang tagalog na lengwahe.

Nilingon ako lahat ng staff sa parlor at malaki ang mga ngiti nila. What? Ang weird.

"Pinay ka, miss?" Tanong ng med 30's na babae.

Dahan-dahan akung ngumiti. Sumilay muli ang ngiti sa kanilang mukha at nag apiran pa. "Hays, salamat. Ganito talaga kami pag nakakita ng pinay. Namiss namin ang pinas e."

"Masaya rin ako makakita ng pinoy, madam. Masaya akung nakita ko kayo."

Thats true. For the passed years, puro mga foreigner ang nakikita ko sa Greece. Bihira lang ako makakita ng pinoy doon. Kung meron man, half lang hindi whole blood na pinoy. And I also miss the warmth of Philippines. There hospitability. There culture. There language and all.

"Nako, libre na namin ang pagpapagupit sayo, Miss."

Umiling ako. No way! Naghahanap buhay kayo dito para sa pamilya nyo tapos ililibre nyo lang ako? "No, I'll pay. Nakakahiya naman. Pano na 'yong pamilya nyo sa pinas? I'll pay. What ever it cost."

"Nako, Ma'am. Sakto at tama lang naman ang binibigay o pinapadala namin ng pamilya namin. Minsan lang naman 'to e. Please, Miss?" Pagpupumilit ng bakla.

I guess I don't have a choice. "Sige na nga. Pero I'll treat you some snacks."

"Yown! Ang bait mo naman, Ma'am." Sigaw ng lalaki sa malayong parte ng parlor.

To Love Again (Isla del Fuego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon