New rules
Bandang mga alas 9:27 AM na ako na gising. Agad akung bumangon at pumuntang banyo para ayusin ang sarili. Medyo na mamaga ang mata ko dahil siguro matagal ako natulog kagabi. Nag hilamos ako at nag toothbrush. Pagbaba ko ay sobrang tahimik ng bahay. May mga maid na naglilinis kaya hinayaan ko nalang sila doon. Ang isang katulong nila ay nag luluto ng pagkain kaya lumapit ako sa kanya.
"Goodmorning! Gising na po ba si Blace?" Tanong ko.
Sinungitan lang ako at umiling. Ganda ka 'te? Umirap ako. Umagang-umaga iyan ang bungad mo saakin. Bumalik ako sa itaas para tingnan ang kwarto ni Blace. I saw them sleeping peacefully kaya dahan-dahan kung kinuha ang gamit ko na iniwan ko dito kahapon. Agad rin akung lumabas at pumunta sa guest room para doon maligo. Uuwi ako ngayon. Doon nalang siguro ako kakain. Kailangan ko rin mag hanap ng maisusuot dahil mamaya na ang Victory Party namin.
Nag iwan ako ng note sa pinto mismo ni Blace at tumahak na. Agad naman may taxi sa pwesto ng bahay nila kaya 'yon ang sinakyan ko pauwi. Walang masyadong traffic kaya agad akung nakauwi. I cooked for my self at naligo muli. I charge my phone at nag bihis papuntang mall.
Prepared na ako para makaalis kaya I open my phone. Maraming message akung nakita at isa na doon kay Blace na nagalala I reply that I'm fine. The next message I read ay sa isang kung ka blockmate. Nireplyan ko ang tanong nya. Nag scroll ako ng ibang message at ang pinaka marami doon ay kay Zarel. Dikom 'yon binuksan at nilagay nalang ang phone ko sa shoulder bag ko.
Nakarating ako ng Mall. Looking for a fine Denim jacket or something. Hanggang napadpad ako sa isang sikat na clothing line. Binili ko kaagad iyon at gumala sa loob ng mall. Walang masyadong tao doon kasi weekdays. Well, its thursday and I'm glad dahil hanggang friday ay wala kaming pasok.
Doon narin ako nag lunch. I texted Blace na sabay na kami pupunta sa venue which in famous hotel somewhere in Lapu-lapu. Agad rin naman syang sumangayon.
Umuwi ako ng apartment ko bandang mga alas 2 ng hapon dahil nag hahanda ako. Naligo muli ako at inayusan ang sarili. Marunong naman ako kunti mag make up. Kunting powder at checktint lang ganun. Mukha akung JRO pag makapal ang mukha ko. Alas 6 na ako sunundo ni Blace. The party will start at 8 kaya bumyahe na kami. I bought some clothes just in case mag iiba nanaman ang utak ni Blace. Agad nyang binigay sa valet ang keys nya at bumaba na kami. Malaki ang space ng lugar namin. Umabot iyon hanggang sa garden ng hotel and resort. I heard, my nag sponsor daw ng event na 'to hindi lang isa kundi apat. Ang plano kasi ng mga officers ay sa school lang gaganapin ang event na 'to. We didn't pay even a centavo. Ang kailangan doon ay presensya namin. Nandito lahat ng mga future engineers mula freshmens to seniors.
Pag dating ko sa loob ay madami ng tao. Wearing the same outfit. Medyo daring ang suot ng iba at halos ilabas na ang kanilang kaluluwa while holding the wine glass. Im wearing backless denim dress na may slit. Denim din ang style ng stilettos ko. Kita ang cleavage ko doon pero natatakpan dahil sa buhok kung kinukulot ko kunti. Agad naman sumigaw si Blace sa dagat ng tao kaya sinalubong sya ng mga gwapong seniors. Umirap nalang ako sa kawalan at kinuha ang baso na may laman. Nilagok ko kaagad 'yon at nakisabay sa beat. Agad kung kinuha ang pangalawang shot at nakisali na rin kay Blace.
And then I remember what happened last night. Yung mga senind na picture at video ni Zarel. Ngumiti ako ng palihim at kinagat ang labi. Di mo kilala sino ang hinahamon mo, Zarel.
Agad lumapit saakin ang isang modelo kung block mate na si Zeke. Malagkit nya akung tiningnan kaya sinabit ko ang kamay ko sa kanyang balikat. I do some sexy dance kaya nilagay nya sa bewang ko ang mga kamay nya. Mas lalo nya akung hinatak palapit sa kanya kaya mas lalo kung ginalingan. Bumaba ang kamay ko sa kanyang dibdib napa tingin sya sa itaas. Dahan-dahan nyang nilapitan ang mukha ko at dahan-dahan akung hinalikan. That was soft kiss.
BINABASA MO ANG
To Love Again (Isla del Fuego Series 2)
RomanceWould you still love even if you had a worst past? Well, maybe. Lets just know everything.