Kabanata 25

909 23 0
                                    

Crampy

Humagulhol na ako ng iyak. Galit si Blace sakin kasi hindi nanaman ako nakikinig sa side ng iba. Sya rin naman ah? Bakit? Ako nalang ba dapat ang makikinig? Ako nalang ba dapat ang umintindi? Pano naman ako? Pano naman yung nararamdaman ko? Yung hinanakit ko wala bang gustong umintindi at makikinig? Ako nalang ba dapat?

Pinunasan ko ang luha ko ng may kumatok. Dali dali akung pumunta sa banyo ko at nag hilamos, binuksan ko ang pinto and I saw Tita Penelope. Nakangiti sya pero halata sa kanyang mga mata na nasasaktan sya para saakin. Kahit ako rin po, Tita, nasasaktan ako para sa sarili ko.

"May I come in?" She ask. With a smile in her face.

"Of course, Tita."

Umupo sya sa gray couch doon at tiningnan ang paligid. "I like your room. But its kindda dark." Tumayo sya at binuksan ang makapal na kurtina. "There!" Tiningnan nya ang nasa labas. "Kumain kana?" Tanong nya.

Umiling ako. "Hindi pa po. Pero I'm still full pa naman-"

"Kaya ka nangangayayat e!" Tumayo sya pumunta sa intercom ng kwarto. Nasira 'yan noong pumunta si Tita Nichelle noon dito at binato nya ako ng takong nya pero sa intercom ko tumama 'yon.

"Dalhin nyo sa kwarto ni Celistina ang kanyang paboritong pagkain. And also two wine glass and champagne." Sabi neto at bumalik sa pag upo. Nakatayo lang ako sa pinto at tiningnan sya.

"I hope you drink..."

Tumango ako. Agad rin naman dinala dito ng mga maids ni Daddy ang pagkain sa kwarto ko at nilapag 'yon sa table. Lumapit ako doon at naglagay ng pagkain. This is my favorate at nalala pa pala 'to ni Tita. Part of me is happy. Masaya na ako dahil may nakaalala pa pala.

Umuusok pa ito dahil bagong luto kaya biglang bumalik ang gana ko sa pagkain pero bago ko pa amuyin ang Sinigang na manok ay biglang bumaliktad ang sikmura ko kaya nagmamadali akung pumunta sa cr ko at pinilit mag suka. I ate my breakfast on morning. At tsaka, its 11 am pa at napaka imposible naman na nalipasan ako ng gutom! Oh well, baka may problema lang ang tyan ko. I should visit my doctor tomorrow.

Bigla kung narinig ang takong ng sandals ni Tita kaya pinunasan ko ang bibig ko ng tissue. Tumingin ako sa salamin. Nakikita ang reflection ko doon. Medyo nangitim na nga ilalim ng mata ko at nangangayayat. Kita na dito na sobrang stress ako. Nakita ko si Tita na masinsinan akung tiningnan sa tyan at sa katawan ko.

"Are you okay? Inamoy ko ang pagkain pero wala namang problema doon." Sabi nya.

"Yes, Tita. Baka nalipasan lang ako ng gutom or ano."

Bumalik ako sa kwarto ko, nandon na ang maid at wala na ang pagkain ko, kaya napatingin ako ni Tita pero sininyasan nya lang ako na pinaalis nya ang pagkain. I sigh, paborito ko 'yon pero bat para bumabaliktad ang sikmura ko doon.

Ako na mismo ang lumapit sa intercom at sinabi ano ang gusto ko. Agad rin naman dinala iyon sa kwarto ko at nilapag doon sa table. Thats fried chicken. May klase klaseng sauce iyon kaya agad kung nilantakan ang pagkain. Parang nawala sa isip ko na nandito pala si Tita Penelope. Nakatingin lang sya saakin at ngumingiti.

"Hey, dahan-dahan lang, Celistina. Wala kang kakompitensya. Its like you haven't eat for ages."

Uminom ako ng juice at pinunasan ang bibig ko. "I just missed it, Tita. Parang nagutom ako bigla e."

She just shrugged her head at ininom ang kanyang champagne. Naubos ko lahat ng fried chicken ko, pati na rin ang sauce neto. Wala pa bang extra neto? Mamaya nalang. Nagpaalam na umalis si Tita Penelope kaya naligo ako.

To Love Again (Isla del Fuego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon