Habang buhay
Pinaupo ako sa wheelchair at lumabas na kami sa kwarto ko. Private room ang pinili ni Tita Penelope kaya walang masyadong tao sa paligid. Pumasok kami sa lift. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ko ang sobrang bilis ng pag tibok neto. Nanlamig na rin ang kamay ko dahil ooperahan na ako.
Bumukas ang lift at niliko kami ng nurse sa isang puting pinto pagbukas doon ay tumambad saakin ang mga hospital equipment. Wala akung ibang maramdaman kundi ang kaba para sa sarili. What if mag failed ang surgery na ito? Pano nalang ang dalawang supling na gusto pang mabuhay? Yung dalawang anghel sa sinapupunan ko na gusto pa makita ang mundo na puno ng mapanghusga. Mundo na puno ng pasakit.
Hinimas ni Tita ang buhok ko. Trying to make me feel calm and safe. She assured me na magiging okay ang operasyon ko. Trying to make things right. Ngumiti sya habang dahan dahan na tinulungan na makahiga ako sa higaan. Hinalikan nya ang noo ko at may ibinulong. "Everything will be alright." At lumabas na sya ng operating room.
Maya-maya ay may pumasok nang mga taong naka puti. Mga nasa anim ang tao na yon kasama ang nurse. Nilagyan nila mask ang mukha nila pati narin gloves ang mga kamay. Ang isa naman ay inayos ang isang injection. Lahat kami sa loob ay puro babae. Ang awkward naman siguro pag may lalaking sasama sa pag oopera ko. Imbes na siguro ay gamutin ako baka makaramdam pa 'yon ng libog dahil sa makikita. Nako, Celistina, mamamatay ka na nga nakuha mo pang mag biro.
Itinusok iyon ng nurse saakin kaya wala pang isang minuto ay naramdaman ko na ang antok. Hanggang sa wala na akung makita kundi puro na itim.
I don't feel any pain. I tried to open my eyes but I failed to do that. Para lamang akung natutulog ng mahimbing. The feeling is nostalgic. In my dreams, I tried to close my eyes. Binuka ko muli ito at sa pagdilat ng mga mata ko, para akung nasa paraiso. Napalibutan ito ng bulaklak at kung ano pamang mga halaman. May nga puno rin na sobrang laki, may ilog na sobrang linaw. Nakatayo lang ako malapit sa isang punong kahoy, I tried to step my feet at nagtagumpay naman akung gawin 'yon. Lakad takbo ang ginawa ko marating kulang 'yong sobrang liwanag. May nadadaanan akung mga batang nakalaro pero parang hindi nila siguro ako nakikita kaya hinahayaan ko nalang silang mag laro doon. Naramdaman ko na sobrang lapit kuna sa liwanag ay bigla akung may nakitang babae na kasing edad ko lang na pinagmamasdan ako sa mga ginagawa ko. Huminto ako sa may bandang punong kahoy. Yun 'yong pinagtayuan ko kanina. Ngumiti lang sya saakin at doon ko nakita ang pagmumukha nya. May kahawig sya pero hindi ko alam kung sino. Tinititigan ko sya ng mabuti habang hinihintay ko sya na makarating sa gawi ko. Hindi nawala ang saya sa kanyang mga mata habang nakatingin saakin. Other part of me wants to run para yakapin sya ng mahigpit. Feels like, naging parte to sa buhay ko pero diko alam kung sino. The way she starred at me, parang kilalang-kilala nya na ako. Inabutan nya ako ng kamay kaya walang alinlangan ko 'yong tinanggap. Tila sobrang saya ng naramdaman ko. Para akung umuwi sa bahay ko. Para akung naligaw ng ilang taon at ngayon naka balik na saaking tahanan. Feels like I was lost but now I'm found. Ngayon ko lang napagtanto na kamukha ko pala ang dalagang hinawakan ang kamay ko. Naglakad kami papunta sa sobrang linaw na ilog at umupo sa isang malaking bato. Nagtitigan lang kami na para bang ang puso lang namin ang nag uusap.
"Ang laki mo na. Diko man lang nasaksihan kung pano ka nag dadalaga. Pasensya na, Anak." Sabi ng babae.
My heart cry. So this girl is my Mom. Thats why I feel so safe even when I first saw her. Hindi ako nakapagsalita diko naramdaman na tumulo na pala ang mga luha ko. Mommy ko pala 'to. Nagkita na kami ng mommy ko!
"Pasensya na. Napaaga ang pagalis ko sa mundo nyo kaya diko na talaga alam ang nangyayari sayo. Ang laki mo na. You really look like me." Dagdag nya.
BINABASA MO ANG
To Love Again (Isla del Fuego Series 2)
RomanceWould you still love even if you had a worst past? Well, maybe. Lets just know everything.