Cravings
Natapos ko na gawin ang unang scrapbook ko. Nandon nakapaskil ang unang litrato ng kambal ko. I can't wait to see them! Sobrang sabik na ako na makita sila makipag lari sa kanila.
"Yvanna, kakain na tayo. Mamaya na 'yan." Tawag saakin ni Mary.
Agad kung iniwan ang ginagawa ko at pumunta sa hapag-kainan. Nandon na si Tita at si Doctora, si Jane at Mary. Umuwi na ang ibang nurses kaya ang nandito nalang si Jane kasama si Doctora. Katabi ko si Mary at ang kaharap ko naman ay si Doctora. Masaya kaming kumakain at nag tatawanan pa.
Maraming ibinilin si Doctora saakin. Tulad ng ingatan ko daw ang sarili ko dahil aalis na sya at si Tita. Sinabihan na rin ako ni Tita na uuwi na muna sya sa Greece at babalik dito pag malapit na ako manganak. Kasama ko din dito ang bagong hire na nurse na si Jane para may tumulong kay Mary sa pag aalaga saakin. May mga vitamins din akung tinitake at kung ano paman para healthy ang dalawang anghel ko.
"Next month, babalik ako muli dito. Aalamin na natin kung ano ang gender ng babies mo." Sabi ni Doctora bago sya umalis.
Pag sobrang nababagot na talaga ako sa resthouse, tumutulong ako kina Mary na mag linis pero agad nya akung sinusungitan. Dapat nalang daw ako magpahinga. Minsan naman, I found myself in the library. Nagbabasa ng mga libro about engineering. Aamin ko, sobrang namimiss ko na ang pag-aaral. Yung mga ka groupo ko na sinusungitan ako, si Blace na walang ibang gawin kundi anuhin ang kanyang Blueprint. Malaki ang pasasalamat ko kay Mary dahil nandito pa rin ang blueprint ko. Dinala nya lahat talaga dito. Lahat ng gamit ko sa school ay nandito sa library. Kaya minsan ay nag aadvance study ako dahil may plano akung mag-aral muli.
Sa gabing 'yon, pinatawag ako ni Mary sa opisina ni Tita dahil gusto nya akung makausap through skype. Agad akung pumunta doon. Medyo malaki na ang tyan ko at may kabigatan na kaya minsan ay hindi kuna kayang tumayo mag isa dahil sa sobrang kalakihan. Agad akung umupo sa sofa.
"Hi, Tita. How are you?" Salubong ko sa kanya.
"I'm fine here, Celistina. Ikaw? Kumusta ka jan? How about your baby?" Tanong nya.
Ngumiti ako. "They're fine, Tita. Mabigat na nga tyan ko. Minsan diko na kayang buhatin ang sarili ko."
Tumawa sya sa kabilang monitor. "Nako, you should take some exercise minsan kasi. Wag puro upo ha? Malapit kana manganganak jusq."
"Nakakapagod na, Tita. Mabigat na tyan ko. Pero itr-try ko talaga bukas."
Hinaplos ko ang tyan ko. Malaki na nga 'to. Parang nine months na pero kambal 'to e.
"Wag mo itry. Gawin mo. Tsaka wag masyadong kumain. Diba isa 'yan sa bilin ni Doctora Lopez? Kaya lumaki ng sobra ang tyan mo." Dagdag nito.
These fast fee days, medyo tumaba ako. Lahat ng losses dress ko noon ay napaka fitted na saakin ngayon. Kailangan ko rin mag diet ng kunti para walang komplikasyon ang papanganak ko. Ang limang keso na kinain ko noon ay naging dalawa nalang sa isang araw.
Nagpaalam na si Tita na aalis muna kaya hinayaan ko muna sya. I am now facing the monitor. What if I'll made an account? Pero syempre hindi akin yung mukha. Di naman ako binawalan ni Tita or ni Mary. I still have my phone sa kwarto ko pero I rarely use it dahil sa mga taong iniiwasan ko.
Pumunta ako sa site ng twitter at gumawa ng account. Syempre, I used the Yvanna Jimenez. At ang profile picture ko naman ay isang bulaklak. Halata na may pinagtataguan talaga.
Agad kung sinearch ang account ni Blace. I saw her post. Lahat ng iyon ay patama saakin. Kahit deactivate ang Celistina ko ay pinatatamaan nya parin ako. I also saw there the retweets of the Vasquez's and Sandoval's.
BINABASA MO ANG
To Love Again (Isla del Fuego Series 2)
RomanceWould you still love even if you had a worst past? Well, maybe. Lets just know everything.