01

285 12 1
                                    

SANDY's POV

Pag baba ko sa Bus Stop ay naglakad ako papunta ng school medyo malapit naman na at sanay na ako kaya hindi na ako mag rereklamo. Fresh pa naman ako.

Pagkarating ko ng Campus ay nakangiti akong pumasok, Sobrang namiss ko si Apollo ay este! Mag aral pala. Pero sana makita ko siya, Sana hindi siya nag transfer.

Lumawak ang ngiti ko ng makita ko ang isang paparating na lalaki, patakbo itong lumapit sakin saka niya ako mahigpit na niyakap.

"Namiss kita!" sabi nito at itinulak ko siya palayo sakin

"Ang OA mo naman! Mamaya makita tayo ng Girlfriend mo eh!" Irita kong sabi sakanya

"Anong Girlfriend? Wala na akong Girlfriend break na kami!"

"Ano!? Agad agad!?" Gulat kong tanong

"Oo nga! Tara na--" Umakbay ito saakin at irita kong tinanggal ang kamay niya mula sa balikat ko

"Ano na namang ginawa mo?" taas kilay kong tanong sakanya at nag kamot lang siya ng ulo

Kilala ko na kasi itong si Chris, matagal ko na siyang kaibigan since elementary. Hanggang sa magbinata siya at mag dalaga naman ako ay laging nasa iisang school ang pinapasukan namin. Napaka babaero ng isang 'to! Buwan buwan ata nag papalit ng Girlfriend, siya lagi ang may Issue tapos yung mga Ex niya saakin mag tatanong ng kung ano ano tungkol sakanya, nakakairita! Nakakasuya!.

"Eh, boring siya eh.. Tara na malalate tayo!" bored nitong sagot

"Kaklase na naman kita?"

"Oh bakit ayaw mo? Lumipat ka kung gusto mo" Pag susungit nito saakin saka siya naunang maglakad

"Tampo agad!? Huy! 'Dimo bagay!" Natatawang sabi ko sakanya saka ko siya hinabol.

Habang nag lalakad ay palinga-linga ako sa paligid dahil nga may hinahanap ako.

San na ba yun?'

"Chris"

"oh?"

"Tara sa building ng ABM" aya ko sakanya at sinamaan niya lang ako ng tingin

"Kay Apollo mo?" bored nitong tanong at dahan dahan naman akong tumango

Alam niyang Crush ko si Apollo dahil sakanya ko unang kwenento ang unang pagkikita namin ni Apollo at natawa lang siya sakin tss.. Papansin!.

"tara na, saglit lang naman eh" pag pupumilit ko sakanya

"Andun yung isa kong Ex, mag tatanong na naman yun, ikaw nalang"

"Nakakainis ka talaga! Saglit lang naman eh!"

"Wala ka ng bibisitahin doon! Sabi ni Ian nag transfer daw si Apollo mo--"

"No way!" Sigaw ko at napansin kong nagsitinginan ang mga estudyante saamin

"Wag ka ngang OA!"

"Eii!! Chris naman eh!"

"Oo nga daw! Alam mo naman si Ian, mabilis makasagap ng balita.. Pero malay mo fake news lang yun"

Bigla akong nalungkot at pakiramdam ko sirang sira na ang Araw ko, teka mali sirang sira na ang Future ko. Paano kung totoong nag transfer siya? Tapos makakita siya ng magandang babae? Tapos ligawan niya yun, tapos magiging sila, tapos.. Tapos yun ang mapapangasawa niya?.

"Huy!!"

"Aray!" Reklamo ko ng pitikin niya ang noo ko "Masakit yun ah!" Tinutukan ko siya ng suntok at lumayo naman ito sakin.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon