SANDY's POV
Pagkalabas ko ng bahay ay ni-lock ko ito pati narin ang gate. Wala kasi sila ate kaya dapat naka-kandado lahat, mahirap na. Maglalakad na sana ako kaso biglang tumunog ang tiyan ko, hindi kasi ako nag almusal kaya naisip ko na dumaan muna ng convenient store.
Bumili ako ng kape at choco mucho, saka tumambay muna para kumain. Nasasayangan ako sa nagastos ko ngayon akala ko kasi hindi ako gugutumin. Nahinto ako sa pagnguya ng biglang may pumasok sa isip ko.
Ngayon na pala siya aalis'
Kinuha ko ang cellphone ko para mag message kay Chris.
Text Message
To: Chimmy ❤
Anong oras ka papasok?Habang hinihintay ang reply niya ay humigop muna ako ng kape. Biglang nagbukas ang pinto at nabigla akong si Briana ito, may kaakbay siyang babae. Sinundan ko sila ng tingin at nanlaki ang mga mata ko ng hinalikan niya sa pisngi ang babaeng kasama niya.
*brrzzz*
Message
From: Chimmy ❤
Maya saglit nag iimpake pa akoMatapos kong mabasa ang message ni Chris ay ibinalik ko ang tingin sa gawi nila Briana at nagtatawanan silang dalawa. Ngayon ay sa bewang na ng babae nakahawak si Briana.
*brrzzz*
Message
From: Chimmy ❤
Nandyan ka na ba sa school?Text Message
To: Chimmy❤
Wala pa nandito ako 7/11Message
From: Chimmy ❤
Ginagawa mo diyan?Text Message
To: Chimmy ❤
Nagnanakaw siguroHumigop ako ng kape habang nakatingin kila Briana. "Babe ito oh!"
Nasamid ako sa kapeng iniinom ko kaya napaubo ako, tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay.Babe?'
"San?" tanong ni Briana sa babaeng nagtawag sakanya ng 'Babe'. Pumunta sila sa Counter at nagbayad, yumuko naman ako para hindi makita. Pagkaalis nila ay napaisip ako.Babe? May halik sa pisngi? May hawak sa bewang?.. Ah.. Baka sweet lang talaga silang magkaibigan'
Hindi ko pa naranasang magkaroon ng kaibigang babae kaya hindi ko alam, mula kasi sa pagkabata dalawang kumag na lalaki na ang kaibigan ko, hindi na nadagdagan pa.
*brrzzz*
Message
From: Chimmy ❤
Ge push nakawan moko ng magandang Cashier kung meron, thanks in advanceBahagya akong natawa sa reply niya at naganahan naman akong mag reply agad kaso bigla kong naisip na nag iimpake pala siya, baka makaistorbo lang ako. Itinuloy ko nalang ang pagkakape.
Gago talaga'
*brrzzz*
Message
From: Pst 150
Uy pareserve din ng isang
cashier ah salamat po.Si Ian yan, siya din nag save ng number niya.
Text message
To: Pst 150
Ang papangit niyoInis kong reply alam ko naman kasing magkasama yung dalawang kumag na yun. Naki Sleep over si Ian sakanila kagabi dahil alas dose na natapos yung Pre pageant. Hindi ko na pinatapos nagpahatid na agad ako kay Chris pauwi. Inaaya nila akong maki Sleep over din pero siyempre tumanggi ako! Wala ng tulugan pag nandun ako sa puder ng dalawang kumag na yun.
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...