46

65 7 0
                                    

SANDY's POV

Inutusan ako ni Ate na gawin ang listahan ng magiging 18th roses ko. Madali lang sanang gawin ito kung marami akong kaibigan. Ang sabi ko kay Ate ay pitong lalaki lang ang kilala kong pwede kong isali sa listahan kasama na doon sina Papa at Kuya Kenjie.

Ngayon ang gagawin ko ay kailangan ko nalang ipaalam sa tatlong lalaki na isasali ko sila sa 18th roses ko.

Linggo ngayon pero hindi ako pumasok sa milk tea shop dahil susunduin namin sila Mama at Papa sa Airport. Tumatalon ang puso ko sa saya dahil uuwi na sila para sa birthday ko. Kami lang ni Ate ang pumunta sa airport naiwan sa bahay si Kuya Kenji kasi binabantayan niya si Ariana.

Lumawak ang ngiti ko ng makita ko na sila Mama at Papa na nag lalakad papalapit saamin.

"Ate! Sila na yun oh" bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay agad na akong tumakbo para salubungin sila.

"Dydy anak!" sabi naman ni Mama saka kami nag yakapan kumalas ako sa pag kakayakap sakanya at yumakap din ako kay Papa.

"Papa, namiss ko kayo" usal ko sabay yakap

"Dalaga na ang Bunso namin ah" sagot din ni Papa

Hindi na kami nag tagal sa Airport at agad na kaming umuwi. Bago pa kaso kami pumunta ng Airport ay nakaluto na si Ate ng pananghalian.

Maingat kong hinila ang isang maleta at sinalubong naman kami ni Kuya Kenjie.

"Welcome back Ma, Pa" bati niya kila Mama at Papa saka nag mano

"Kamusta Manugang?" nakangiting tanong ni Papa sakanya

"Ito po Under ni Misis" sagot ni Kuya at kinuha niya ang dala dala ni Mama

"Aba dapat lang" mataray namang sagot ni Ate

"Asan ang Apo ko?" tanong ni Mama

"Nasa loob po, tulog"

Pag kapasok namin sa loob ay nag pahinga pa ng ilang oras sila Mama at Papa, kwentuhan narin at tawanan. Pagkatapos nun ay kumain na kami ng sabay sabay.

"Nalista mo na ba kung sino sino ang magiging 18th roses mo?" tanong saakin ni Ate at bumagal ako sa pag nguya

"Ate tatlo lang yung kilala kong lalaki" usal ko

"Ah, hindi mawawala sa listahan sila Ian at Chris ah!" sambit ni Mama at tumango naman ako

"Sinong ihuhuli mo sakanila?" tanong naman ni Ate

"Ewan ko pa Ate" sagot ko

"Pag botohan nalang natin" sulpot ni Kuya Kenjie

"Oh sige ba! Taas ang kamay kung gusto niyong ihuli sa listahan si Ian!" utos ni Ate at nag taas ng kamay sila Mama at Papa "Taas ang kamay kung sino ang gustong ihuli si Christian!" nagtaas ng kamay sila Ate at Kuya Kenjie

"Tie" walang ganang sabi ni Kuya Kenjie at kumain nalang

"Anong Tie? Hindi pa nag tataas ng kamay si Sandy" banat ni Ate sa Asawa niya

"Sinong ba ang gusto mong ibuli sa listahan Anak?" tanong ni Papa

"Wala po kila Chris at Ian ang ihuhuli ko"

"Sino?" tanong nila Ate at Mama, sabay pa sila

Napakamot ako sa batok.

"May iba ka pa bang kaibigang lalaki, bukod sa dalawa?" takang tanong ni Papa sabay inom

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon