23

101 9 0
                                    

IAN's POV

Habang naglalakad papunta sa classroom namin ay napakunot ako ng noo ng makitang maraming mga estudyante ang nag sisik-sikan sa tapat ng bulleting board. May mga nagtatawanan, natutuwa at may mga parang naluging boombay. Ngayon pala malalaman kung sino ang mga naka with honors ng first grading. kaya biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba.

Kahit pang lima nalang ayos na yun!'

Tinanggal ko ang headset ko at mabilis na lumapit sa may bandang harap ng bulletin board. Hindi ako nakipag siksikan ew yun. Hinintay kong magsialisan ang mga kapwa ko estudyante hanggang sa kumonti nalang ang tao. Lumapit ako at hinanap ang Section ko.

"Sh*t sh*t sh*t sh*t.... David David David" banggit ko sa apilyedo ko habang hinahanap ito "Yes! Top 3!" masayang sabi ko. Napaka Genius ko!.  Napahinto ako ng makita ko ang isa pang listahan ng mga with honors ay nakita ko ang pangalan doon ni Kim at pang 11 siya.

Depress pa yan ah!'

Lumipat ako sa listahan ng mga Gas, hindi naman ako umaasang makikita ko ang pangalan doon ni Sandy tamad yun mag aral. Hindi ko na rin aasahang makita ang pangalan doon ni Chris dahil napaaga ang bakasyon niya hayop yun haha!.

"Anak ka ng daing na basa!" wala sa sarili kong nasabi at bahagyang natawa dahil narin sa tuwa ng makita ko ang pangalan ni Sandy sa listahan. Inulit ulit ko pa itong binasa at tama nga ang pag kakabasa ko.

8th HONOR SIYA!.

"Wow!" namamanghang sabi ko. Bakit ba? Proud ako sa slow kong kaibigan.

Mas lumawak ang ngiti ko ng makita ko siyang paparating. Nag ngiting aso ito saakin. "Bilisan mo timang!" excited kong sabi

"Bakit!?" sigaw niya kasi medyo malayo pa siya sakin

"Listahan ng mga honors!" turo ko sa bulletin board

"Oo na! Oo na! With honor ka na!"

"Bilisan mo!"

Nang makalapit siya ay kunot noo siyang tumingin sa bulletin board at dumiretso ang tingin sa listahan ng mga STEM. "3rd ako!" masayang sabi ko

"Ok congrats" walang gana niyang sagot at akmang aalis pero hinawakan ko ang braso niya

"Gago balik! Hanapin mo naman pangalan mo!"

Inis lang itong tumingin saakin saka binaling ang tingin sa listahan ng mga GAS.

"Hindi na kailangan! Alam ko namang--" Napatakip siya ng bibig at itinuro ang pangalan niya na nakalista sa papel. Hindi makapaniwala ang reaksyon niya.

"Haha! Congrats Payatot! Sa wakas estudyante ka na!" madayang sabi ko

"Ian!" sigaw niya habang tuwang tuwa "Eeiii...!!" sinuntok suntok ako sa braso!?

"Aray aray! Aray!" reklamo ko

"Sorry sorry! O my gash!! Ian! Top 8 ako!" masayang sabi niya sakin

"Alam ko nakita ko!" iritang sagot ko habang hawak hawak ang braso kong pinagsusuntok niya.

Niyakap niya ako at gumanti rin ako ng yakap "Ang saya saya ko!--"

"Pasali naman diyan"

Nahinto ang ingay naming dalawa ni Sandy habang makayakap ng may marinig kaming pamilyar na boses. Sabay kaming kumalas sa pagkakayakap ng isa't isa at sabay na nilingon ang nag salita.

"I'm Back" nakangiti nitong sabi

"Chris?" sabay naming sambit ni Sandy

Tumahimik ang buong paligid. Nakangiti lang samin si Chris ako naman ay nabibigla parin dahil bigla nalang siyang bumalik ng walang pasabi at akala namin ay hindi na siya babalik.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon