SANDY's POV
Hanggang ngayon ay hindi parin ako mapakali dahil sa nangyari kanina.
Inaalagaan ko si Ariana pero bigla nalang siyang nagkumbulsyon kaya agad agad na itibakbo siya sa hospital. Hindi rin naman ako makasama sa hospital dahil kailangan kong pumasok. Ngayon ang Exam namin. Nakapag review nga ako pero ang pamangkin ko ang nasa isip ko.
Matapos ang dalawang subject ay pumunta ako ng Canteen para bumili ng makakain. Hindi kasi ako nag almusal.
"Ian, baka ano ng nangyayari sa pamangkin ko" mangiyak iyak kong sabi kay Ian ng umupo siya sa tapat ko dala dala ang Tray na may laman na pagkain.
"Bakit?"
"Tinakbo siya ng Ate ko sa hospital kasi kinumbulsyon siya kanina, nawala yung itim ng mata niya tapos bigla nalang pumikit" natatakot kong pag kwe-kwento
"Halla! E kamusta na siya ngayon?"
"Wala pang reply yung ate ko, hindi nga ako makapag concentrate kanina e!, baka mabagsak ako!" nag aalalang sagot ko
"Hindi yan.. Nga pala Payatot"
"Hm?"
"May balita ka ba kay Chris?"
Napahinto ako sa pag nguya "Sino yun?" kunwareng tanong ko
"Halla! Haha! Ayos ah tampo mode ka ah!"
"Wala akong kilalang Chris" kunot noo kong sagot
Pag nababanggit si Chris ay nasasaktan nalang ako bigla. Sa kakaisip ko nga sakanya ay napapaginipan ko na siya na nakauwi na daw. Miss na miss ko na kasi yung kaibigan ko. Hindi man lang siya nag sabi sakin na hindi na siya babalik, sinabi pa talaga sa iba. Kaya ako galit sakanya!.
"Grabe siya"
"Change topic" walang gana kong sagot ayoko lang na pag usapan si Chris ngayon. Nakikisabay sa sakit na nararamdaman ko dahil sa kalagayan ng Pamangkin ko.
"Miss mo na 'no?"
Tinignan ko si Ian at seryosong nakatingin lang ito sakin. "Kahit naman ma-miss ko siya, hindi rin siya babalik. Move on na, tanggapin na nating hindi na yun babalik. Nang iiwan yun"
"Tsk. Tsk. Miss mo na nga, ako din naman"
"Change topic Ian please lang.. Ayoko ng mabanggit yang pangalan na yan" iritang sabi ko
"Bakit ba galit na galit ka huh babae?"
"Ang sakit kaya! Sa iba siya nag sabi na hindi na siya dito mag aaral, bakit hindi sa atin?--"
"Bakit hindi sayo?"
"Oo! Bakit doon pa sa Crush niya?. Mas Importante ang kaibigan kesa sa Crush!"
"Mas importante si Chris sayo kesa kay Apollo?"
"'Wag mo ngang dinadamay si Apollo dito" mahinang sagot ko, ibang usapan na pag si Apollo. "Ano?" tanong ko kay Ian dahil nakatingin lang ito saakin habang nakangiti.
"Wala wala, kumain ka na para tumaba ka naman"
"Baliw!"
"Mas baliw kayo ni Chris! Ewan ko sainyo" natatawang sagot ni Ian. Hindi ko gets paano kami naging baliw ni Chris? Si Chris lang ang baliw hindi ako!.
Nang matapos naming kumain ni Ian ay nag pagdesisyonan kong pumunta muna ng Art room.
Nang hawakan ko ang door knob ay biglang may kamay na sumabay sakin sa pag hawak, nilingon ko ito.
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...