29

144 14 10
                                    


SANDY's POV

Gumising akong mabigat ang dibdib dahil ang daming nangyari kahapon. Inaway ako at nag away naman yung dalawang kaibigan ko. Nakwento lahat saakin ni Kim kung ano yung mga sagutan nung dalawa. Sobra akong nalungkot dahil sakin, nag away sila. Pero hindi naman dapat sisihin si Chris sa mga nangyari eh, si Rita lang talaga yung may kasalanan.

Nag alala lang siguro si Ian sakin kaya niya yun nasabi kay Chris, kaya sila nagsagutan. Hay!, iba rin talaga kapag lalaki yung mga kaibigan mo. Si Chris nakakatakot pag nagagalit pero si Ian magaling makipagsagutan. Mabuti nalang at hindi sila nagpisikalan sabi ni Kim. Mabuti nalang din at naroon si Kim para awatin yung dalawa.

Pano na 'to? Magkagalit sila, ang lungkot naman nun pero dahil ako ang dahilan kung bat sila nag away dapat ako rin ang gagawa ng paraan para mag bati sila. Ayokong nag aaway-away kami dahil sila lang ang pinagkakatiwalahan kong Kaibigan at lagi akong pinoprotektahan sa lahat ng kalampahan ko sa buhay.

Nakita ako kahapon ni Apollo, napansin niya yung kalamot ko sa muka, hindi ko sinabi sakanya ang totoong dahilan, ang sabi ko lang nakipaglaro ako sa pamangkin ko tapos nakalamutan niya ako.

Napangiti ako bigla dahil bakit parang nagiging malapit na sakin si Apollo?. Hindi naman sa assuming pero mag a-assume na ako, para kasi siyang nag alala kahapon?.

Umupo na ako sa upuan ko at eksaktong pumasok si Chris, ngumiti ako para kausapin sana siya kaso nawala ang ngiti ko ng hindi niya ako pinansin. Dumiretso lang siya sa Likod, sa upuan niya. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya.

Dalawang subject ba ang natapos pero hindi niya parin ako pinapansin. Napasungo ako dahil ang lungkot lungkot ko na talaga. Palabas na ang lahat sa room kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para harangan at kausapin siya. Inabangan ko siya sa tabi ng pintuan, nang makitang palabas na siya ay mabilis kong hinawakan ang braso niya. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Haha! Gulat ka?" natatawang tanong ko

"Sandy, dumistansya ka muna sakin" seryosong sabi niya habang tinatanggal ang kamay ko sa braso niya pero hinigpitan ko ang kapit ko para hindi niya matanggal

"Ayoko nga" kunot noo kong sagot "Sabay na tayo kumain sa Canteen--"

"Sandy, 'wag kang makulit mamaya may makakita na naman sayo diyan na Ex ko tapos awayin ka na naman--"

"Kung ganun, hindi ba dapat mas hindi ako lumayo sayo kasi ililigtas mo ako?" paglalambing ko, hindi siya sumagot at yumuko lang siya

"Si Apollo at Ian nalang yung makakagawa nun, napapahamak ka dahil sakin--"

"Chris... 'wag mo ng intindihin yung sinabi ni Ian kasi mainit lang talaga ulo nun kaya niya yun nasabi, saka alam mo naman na kung paano magsalita yun eh" paliwanag ko

"Totoo naman yung sinabi niya eh, dahil sa pagiging Babaero ko kaya ka napapahamak"

"Pero mas maraming beses mo akong naprotektahan, hindi mo ako iniiwan.., sabi nga nila para na tayong magjowa eh" sagot ko at bahagya akong natawa "Kalimutan mo na yung nangyari kahapon, wala na yun erase erase na"

"Sorry Lampa" sagot nito at niyakap niya ako, gumanti din ako ng yakap "Sorry talaga"

"Ok na yun Chris"

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at naitama ko ang paningin ko sa dalawang babae na nakatingin saamin habang nag lalakad.

"Malandi ka! Malandi! Malandi! Mang aagaw"

Yumuko ako dahil sa hiya. Humiwalay ako kay Chris at Naunang naglakad. Hindi pumantay sakin si Chris pero alam kong sumusunod lang siya sakin.

"Siguro lahat ng nagiging Girlfriend ni Chris ay bini-break niya dahil sayo! Dahil malandi ka!!"

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon