CHRIS's POV
Habang nagkakasiyahan na lahat ay hindi naman ako mapakaling pasulyap sulyap sa relo ko.
"Chris hindi ko makontak si sandy" biglang sulpot ni Ian
"Ako din eh, nasan na ba yun?" iritang sabi ko
"Ano bang sabi sayo kanina?"
"May itutuloy daw silang gawin sa Art room tapos hahabol daw siya"
"Tawagan mo nalang si Ate Sianne"
"Sige"
Mabilis kong hinanap ang number ni ate sianne sa cellphone ko at kinontak ko ito.
"Oh pretty boy napatawag ka?"
"ate nandiyan na ba si Sandy?"
"Wala pa siya, nag paalam siya saakin kanina na magagabihan siya ng pag uwi ang alam ko kasama mo siya eh"
Sh*t naman sandy!'
"Ah.. Hindi ko po siya kasama hinihintay ko nga po siya eh"
"Eh san na napunta yung babaeng yun!"
"Ay ate, sige po ako ng bahala"
"Sige sige, umiiyak na anak ko"
"Sige po" pinatay ko ang linya saka ko ibinulsa ang cellphone ko
"Ansabe?" tanong ni Ian
"Wala si Sandy sakanila" seryosong sagot ko "Pupunta ako ng school"
"Sama ako--"
"'Wag na, pag nagtanong si mommy kung nasaan ako sabihin mo sinundo ko si Sandy" mabilis kong sagot saka ako patakbong umalis.
Pinaandar ko ang motor ko mabilis ang pagpapatakbo ko dahil nag aalala na ako kung nasaan si Sandy!. Alas nuebe na at imposibleng hindi pa tapos ang ginagawa nila sa School.
Pagkarating ko ay ang guard ang sumalubong saakin.
"O anong meron iho?"
"Manong wala na po bang estudyante diyan sa loob?" tanong ko
"Wala na iho, wala naring mga teachers diyan"
"Sigurado po ba kayo?"
"Oo, nag ikot na kami kanina at wala ng tao diyan sa loob"
"Eh kasi po yung kaibigan ko hindi pa nakakauwi, ang sabi niya kanina may gagawin sila sa Art room"
"Art room? Naku iho wala ng tao dun kanina pang alas siyete, baka naman namasyal lang yung kaibigan mo?"
"S-sige po salamat"
Pumunta ako sa motor ko at inilabas ang cellphone saka ko kinontak ulit si Sandy pero ganun parin hindi ko parin siya makontak. Napahilamos ako ng muka saka ako sumakay sa motor ko.
Nasaan ka na ba lampa!'
Napagdesisyonan kong pumunta ng bahay nila para doon ko siya abangan dahil hindi ko na alam kung saan siya pwedeng magpunta.
Nang malapit na ako sa bahay nila ay itinabi ko ang motor ko sa madilim na kanto saka ko pinatay ang ilaw. May nakita akong kotseng tumapat sa bahay nila at may lumabas ditong lalaki.
"Apollo?" mahinang sabi ko at umakyat ang galit sa ulo ko ng makitang lumbas sa kotse ang kanina ko pang hinihintay. Nakangiti si Sandy habang nakikipag usap kay Apollo hanggang sa humiwalay sakanya si Apollo at sumakay sa kotse niya, umalis.
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...