SANDY's POV
Habang nakahiga ay diretso lang ang tingin ko sa kisame. Malalim na ang gabi pero hindi parin ako makatulog, malalim rin kasi ang iniisip ko.
Si Chris.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang messenger. Ti-nap ko yung gc na ginawa ni Ian.
Love Triangle
Tulog na ba kayo?
Seen by Ianpogi, Chim
Ianpogi
Oo
Seen by Chim
Sorry kanina
Ianpogi
Ang drama mo
matulog ka naSeen by Chim
Dahil binara ako ni Ian ay pinatay ko nalang ang data ko pati na rin ang cellphone ko.
Ibinalik ko ang tingin sa kisame, biglang sumagi sa isip ko yung nangyari kay Lindsay. Ayan tuloy hindi na nawala sa isip ko. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin yun, lalong hindi rin ako makapaniwala na buntis siya at ipapaako niya pa kay Apollo yung baby niya. Tsk tsk.
Buti nalang dumating si Chris kanina.
Si Chris na naman'
Ano bang nangyayari saakin?. Nung habol pa ako ng habol kay Apollo hindi ko naman nararamdaman 'to, pero ngayong si Apollo na ang nanliligaw saakin saka ko naman naramdaman ito.
Bakit pakiramdam ko... Parang ayoko ng mawala si Chris?. Alam kong kaibigan ko siya, pati na rin si Ian ayoko silang mawala saakin pero pag dating kay Chris.. May iba e.
Kumabog ang dibdib ko sa gulat ng biglang mag vibrate ang cellphone ko. Agad ko yung kinuha at napahawak ako sa dibdib ko ng makitang si Chris ang tumatawag.
Chimmy <3 calling......
Huminga muna ako ng malalim bago ko ito sinagot.
"H-hello" pag sasagot ko
"'Wag mong isipin yung nangyari kanina, hindi rin ako galit."
Kilalang kilala mo talaga ako'
"Chris"
"hm?"
"Uhm... ayos lang ba sayo na... nag papaligaw ako?" hindi ko alak sa sarili ko kung bakit ko pa natanong yun "Ah.. Wala wala bura bura" pambabawi ko "Bakit hindi ka pa natutulog?" pag iiba ko ng usapan
"Hindi"
"Huh?"
"Nasasaktan ako Sandy"
Natahimik ako, wala akong masabi. Hindi ko lang maamin sa sarili ko pero inaasahan ko ng iyon ang isasagot niya. Gusto ko lang marinig na manggaling yun sakanya.
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...