SANDY's POVIlang araw ang lumipas pero walang paramdam yung kaibigan ko. Sabi ni Ian hindi niya rin daw naabutang mag online si Chris. Hindi pala ito nag o-online. Ang huling pag online niya ay yung nag ka usap kami, aaminin ko. Miss ko na talaga siya. Gusto ko ng makita yung pag mumuka niya ng personal. Ang lungkot lang kasi ng mga araw pag wala siya. Meron pa naman si Ian na kaibigan ko kaso kasi.... Talagang may kulang pag wala si Chris.
Malapit na ang Birthday niya at sana mag online man lang siya para mabati ko. Hay!, ang bigat sa dibdib.
"Badtrip talaga 'tung gagong 'to 'di man lang mag online oh" inis na sabi ni Ian habang nakatingin sa screen ng phone niya. Andito kami ngayon sa canteen dahil lunch break na namin.
Lunch break pero wala akong ganang kumain.
"Daya naman niyan" wapang gana kong sabi dahil nag tatampo na talaga ako.
"Hm.. Sungo mo haha!---- hayaan mo na, baka busy lang" pang u-uto sakin ni Ian saka niya pinag patuloy kumain.
"Hello!"
Sabay kaming napalingon sa biglang sumulpot. Si Briana.
"Hi!" nakangiting sagot ko naman
"Diba kayo yung mga kaibigan ni Christian?" tanong nito.
Nagkatinginan kami ni Ian at sabay tumango at ibinaling ulit ang tingin kay Briana.
"Nag kausap kami kagabi--"
"Ano!?" pagpuputol ko sa sasabihin ni Briana sabay tayo. Nabigla ako eh!.
"Huy! Umupo ka nga" natatawang saway sakin ni Ian at umupo naman ako.
"Haha, teka kumalma ka" natatawang sabi sakin ni Briana habang nakataas ang dalawang kamay.
"Sorry sorry, a-anong sabi?" tanong ko
"Ang sabi niya..." huminga siya ng malalim "Dun na daw siya mag aaral" malungkot nitong sabi
"Joke joke joke ba yan?" kunot noong sabi ni Ian dahil hindi rin ito makapaniwala
"Hindi ah, nag video call kami naiyak pa nga siya eh.. Hindi niya daw kasi kayang sabihin sainyo..." tumingin sakin "Lalo na sayo" mahinang sabi niya. "Uhm.. Sige alis na ako ah"
"Sige salamat ah" sagot naman sakanya ni Ian saka siya umalis.
Nangilid ang mga luha ko saka ko tinakpan ang mga mata ko dahil tumulo na ang luha ko. Sino namang hindi maiiyak? Ang sakit kaya. Ang sabi niya babalik siya! Paulit ulit niya sinabing babalik siya!. At hindi lang dun ako nasasaktan. Sa ibang babae siya nag paparamdam. Bakit hindi niya nalang diretsahin samin ni Ian? Bakit hindi siya samin magparamdam? Bakit hindi kami ang dapat niyang kausapin?.
"Uy... Sandy wag ka ngang umiyak dito" mahinang sabi ni Ian. Kaya nag punas ako ng luha at tumingin sakanya.
"Edi dun siya mag aral, 'wag na siyang mag pakita sakin. Sa iba pa talaga siya nakipag usap ah. Samantalang tayo hinihintay siyang mag online!" galit kong sagot habang nag pupunas ng luha
"'langya yun, naka off-chat pala kaya pala hindi natin nakikitang mag online! F O na bahala siya!" inis namang sabi ni Ian saka siay kumain. Bakas din sa muka niya ang galit.
Pagkatapos naming kumain ay hindi ako pumasok sa susunod na Subject dahil wala akong gana. Gusto ko na ngalang umuwi eh. Pumunta ako sa isang Study shed eksakto ang pwesto nito dahil hindi matao.
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...