11

117 7 1
                                    

CHRIS's POV

"One two and tak tak tak-- tugs!"

Dahil tapos na akong gumawa ng Steps kailangan ko ng ituro sakanila. Magagaling naman sumayaw ang mga nandito sa Dance club dahil kailangan mong mag Audition para makapasok dito. Fast learner naman sila, pwede na.

"Isa pa-"

Natigilan ako ng biglang magbukas ang pinto at may babae kaya lumapit ako dito.

"Continue" utos ko sakanila

"Wow, ang dami pala--"

"Excuse me-- Teka! Pamilyar ka" sabi ko sa babae ng matitigan ko ang muka niya

"Oh? Talaga?"

"Yun!" pinilantik ko ang daliri ko ng maalala ko siya "Ikaw yung babaeng nakakita sa kaibigan ko na nakulong sa cr diba?" tanobng ko ha ang nakaturo sakanya

"Ah.." tumatango tango nitong sabi pero mukang hindi niya matandaan ang sinasabi ko

"Ako yung nilapitan mo--"

"Ah!" tinuro niya muka ko "Naalala ko na! Ikaw yung lalaking kinakausap ko pero bigla mo nalang ako iniwan diba"

Suplada 'to for sure'

"hehe" awkward laugh "A-ako yun, bakit ka nandito miss, dance club 'to" pag iiba ko ng usapan

"Bago akong member" nakangiti niyang sabi at tumaas naman ang isang kilay ko, tinignan siya mula ulo hanggang paa

"President!"

Nilingon ko ang nagtawag saakin saka ako ngumisi.

"O tawag moko?" tanong ko sa isnag member para ipamuka sa baguhan na ako ang president men!. Mayabang ako alam ko yun.

"Anong next Step?"

"polish niyo muna yan!" utos ko saka ko ibinaling ang tingin sa babae at nakangiti ito saakin ng malawak.

"President ka pala dito, Hello.. Briana Guico" nilahad niya ang kamay niya at inabot ko naman ito saka kami nag shakehands

"Christian---- sige na, position ka na dun para maturuan ka na rin" utos ko sakanya at sumunod naman ito.

Ganda'

Pinagpatuloy ko ang pagtuturo at mula sa salamin ay napansin kong magaling nga sumayaw ang newbie at nakasabay agad.

"With music tayo" sinindi ko ang speaker saka pinatugtog ang sasayawin namin. Tumayo ako sa harapan nila para makita kung sino ang pwedeng iharap sakanila, siyempre dapat yung magaling mukang pasok na dun si Ganda.

Tatlong special number lang naman ang gagawin namin, Opening, pre-pageant at Coronation night ng Mr. And Ms. SAA at nagawan ko na lahat ng steps. Pinanganak ako para maging Gwapong Dancer.

Dahil next week na ang Foundation day ay abala na ang lahat sa mga Try-outs sa Sport at mga practice ng kung ano-anong contest. Mamaya may try-out pa ako sa Relay. Actually hindi naman ako mahilig sa Sports eh pero dahil hindi na ako Senior high school next year parang gusto kong I-try lahat haha. May knowledge naman na ako sa Relay eh dahil natry ko na yun nung Elementary. Napagtripan kasi ako ni Ian, sinali ba naman ako gago yun.

"Break time muna! Balik kayo ng ala una, pero wala ako kaya practisin niyo yang mga tinuro ko balik ako ng alas dos" sabi ko at um-agree naman sila saka sila nag si-handang umalis.

Napatingin kay Ganda habang hinahanda ang mga gamit ko, nagpupunas siya ng pawis. Bihira sa babae ang mas lalong gumaganda pag pinagpapawisan sila palang ni Sandy.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon