12

104 8 1
                                    

SANDY's POV

"Sandy!" tawag sakin ni ate kaya lumapit ako sakanya sa kusina

"Oh?"

"Pupunta kami sa Probinsya ng kuya Kenji mo, gusto mo sumama?"

"Eh?" napakamot ako ng ulo "Hindi pwede ate, may pasok ako eh"

"Eh sinong kasama mo dito? One week kami dun"

"Kaya ko naman mag isa ate" nag aalangan kong sagot

"Sigurado ka? Sa bagay ang laki mo naman ng tae"

"Ang ganda ko naman tae ate!" inis kong sabi "Kailan ba alis niyo?"

"Lunes--"

"Agad agad!?" nabigla ako

"Para daw maabutan namin yung birthday ng kapatid niya"

"O sige sige, pasok na ako sa school" paalam ko saka ako lumabas ng bahay.

Dahil maaga pa naman napagdesisyonan kong maglakad nalang para makatipid, pangkain ko nalang mamaya. Medyo malayo ang school sa bahay pero ok lang atleast may "Me" time ako haha!. Malaya ako ng Nextweek sayang may pasok hindi ako makakagala.

Foundation day na pala next week tapos aalis na si Chris pagkatapos hay! Sana makabalik siya agad.

"Lampa!" Nagulat ako ng biglang may maghagis ng kung anong bagay sa likod ko kaya nilingon ko ito. "Bat ka naglalakad?"

Hindi ko siya sinagot at pinulot ko lang bag niyang hinagis niya saakin, ang sweet talaga ng hinayupak!.

"Maaga pa naman eh" sagot ko saka ako lumapit sakanya yakap yakap ang bag niya at umangkas. Naka civilian naman ako kaya komportable akong sumakay.

"Yakap! Ma-mi-miss mo 'to" sabi niya habang pinupunasan ang side mirror niya. Niyakap ko siya sa bandang tiyan niya, walang malisya yun samin alam kong likas siyang malanding lalaki pero komportable ako sakanya. "Ipasok mo kamay mo may abs ako--"

"Wala akong paki!" Sigaw ko sa tenga niya

"Hahaha! Highblood oh lessgow!"

---***---

Pagbaba namin ng motor ay sabay kaming naglakad papasok ng campus at iniabot ko sakanya ang bag niya. Aware naman ako sa iisipin ng iba na muka kaming mag jowa pero wala kaming pakialam dahil alam namin sa isa't isa na hindi kami talo para na nga kaming magkapatid eh, kaming tatlo nila Ian.

"Si Briana" bulong nito at tinignan ko anamn kung saang direksyon siya nakatingin "Bilisan mo" mabilis siyang naglakad papalapit sa babae at sumunod naman ako.

"Gago ang ganda niya"

"Briana diba?" kunwareng tanong ni Chris habang turo turo ang babaeng napahinto sa paglalakad

"Uy.. Ikaw yung nakulong sa Cr diba?" Ako ang pinansin niya at nadedma si Chris hahaha!.

"Oo ako yun! Uy thank you ah" masayang sabi ko at nilahad ko ang kamay ko sakanya "Sandy nga pala" pakilala ko ang nakipagkamayan naman ito

"Briana, ganda mo naman"

"O ang ganda ko daw" pagyayabang ko kay Chris sarkastiko itong ngumiti

"Oo nalang.. May practice tayo ngayon" baling niya kay Briana

"Oo, papunta na nga ako dun e sabay na tayo?" nakangiting tanong niya kay Chris

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon