CHRIS's POV
Kaunting bisita lang ang inimbitahan namin, malapit na pamilya, si Ian at parents niya, si Sandy kasama sila Tito at Tita hindi raw kasi mamakapunta si Ate Sianne kasi babantayan niya raw si Baby Ariana. Inimbitahan ko rin sila Kim, Apollo at Briana. Kahit paano naman ay mag pinag samahan kami.
Hindi ko naman basta basta napagdesisyunan na mag aral sa japan, pinag isipan ko rin ito ng mabuti. Wala kasing kasama si Lolo at ako ang gusto niyang makasama dahil... Paborito niya akong apo. Pero nung nalaman ko na kasama kong aalis yung isang pinsan kong lalaki na si Gilbert ay parang nag dalawang isip na ako.
Ayoko kasama yun sa iisang bahay, mayabang yun e. Pero since nalakad na lahat ng papeles ko bago pa sabihin saakin yun ni Lolo ay wala na akong nagawa. Bahala na.
Nasa labas ako ng gate at naka upo sa may kalso, parang ayokong pumasok. Nandun na kasi si Sandy, kumukuha lang ako ng bwelo para kausapin siya.
"Uy pre, ba't nandiyan ka?" sulpot ni Ian saka umupo sa tabi ko.
"Pre, ikaw na bahala kay Sandy ah"
"Ang drama mo"
"Ikaw na bahala sa sarili mo, ligawan mo na si Kim para may mag alaga sayo"
"Para kang tanga!"
"Hehehe, ano ba real score niyo?" tanong ko sakanya
"Maniwala ka man o sa hindi, siya talaga ang nanliligaw sakin pre" umiiling na sagot ni Ian
"Grabe ka naman kay Kim, ok naman siya ah"
"Ok naman talaga siya, kaya nga hinahayaan ko lang siya"
Dahan dahan ko siyang tinignan ng panunuksong tingin "Type mo rin 'no! Aminin"
"Oo na pwede na"
"Utot! Hahaha!" malakas kong pag tawa
"Bwiset ka" natatawang sagot niya
"Yes Dad--" sabay kaming napatingin sa lumabas at nakita namin si Apollo na may kausap sa phone, tumingin saamin ito pero inalis niya rin ang tingin saka lumayo.
"Bakit kaya binasted ni Sandy si Apollo?" bulong ko kay Ian
"No comment"
Inirapan ko si Ian at ibinaling ang tingin kay Apollo na pabalik na.
"Apollo!" tawag ko sakanya at inayang umupo sa tabi ko
"Hm bakit?" tanong niya at umupo sa tabi ko
"Yang si Apollo ang tanungin mo" sambit ni Ian
"Sorry kung itatanong ko 'to sayo ah.. Bakit ka binasted ni Sandy?" tanong ko, natahimik siya at inabangan ko naman ang sagot niya
Nag kibit balikat siya "Parang... ayoko atang sagutin yan. Itanong mo nalang kay Sandy"
P*tang ina'
"Hahaha!" malakas na tawa ni Ian "Apir tayo diyan pre!" nag apir pa silang dalawa sa harap ko. Tumayo silang dalawa.
"Pag hindi kayo nakapag usap ni Sandy, bago ka umalis.. ako ng bahala sakanya" nakangising sabi ni Apollo
Mabilis naman akong tumayo "Liligawan ko siya, kahit pa nasa japan ako. Liligawan ko siya--"
"Paano yun? Liligawan mo ako sa chat?" Nanlaki ang mata ko at naoalingon ng marinig ko si Sandy. Nag lakad siya papalapit saamin. "Deserve ko ba yun?" nakataas ang isang kilay niyang humarap saakin.
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...