35

79 9 1
                                    

IAN's POV

Bored akong nakatingin kay Sandy na kasabay kong kumakain ngayon. Hindi niya pa kasi nagagalaw ang kinakain niya dahil kanina pa siya tulala. Nalaman ko na rin ang nangyari kay Chris kasi sinabi niya saakin kaninang umaga at balak kong bisitahin siya mamaya. Naguguluhan na tuloy ako kung sino ba talaga ang gusto niya, kung itong si Payatot ba o yung Dancer na babae.

Bakit sila mag kasama nung Dancer na yun ng ganung oras? At sa park pa talaga, ayos ah ano naman kayang eksena nila Dancing in the Dark?. Hindi na ako mag tataka likas talaga siyang babaero. Buti pa ako.. Wala na ngang Jowa, wala pang kalandian.

Genius pa.

"Huy kumain ka na nga, pati tuloy ako nawawalan ng gana" reklamo ko saka ako uminom

"Pano na yan? Hindi na siya makakasayaw" malungkot niyang sabi

Nalunok ko agad yung tubig na nasa bunganga ko "Sinabi niya 'yon?" takang tanong ko at tumango siya "Edi mabuti"

Nag salubong ang kilay niya "Anong mabuti doon?"

"Para makapag pahinga siya, alam mo naman yun Dance is life kaya buti at naisip niyang 'wag na muna sumayaw" paliwanag ko at tumango siya.

"Oo nga 'no, bat 'di ko naisip yun?"

Meron ka nun? Joke Payatot'

"Nga pala ang sabi sakin ni Chris nag papaligaw ka na dun sa Apollo na yun a" pag iiba ko ng usapan. Masermonan nga ito.

Bigla siyang ngumiti "Hindi talaga ako makapaniwala na may gusto na siya sakin"

"Ako rin naman" taas kilay kong sabi at pinakita ko sakanya ang pinaka bitter kong muka kaya nawala ang ngiti niya.

"Bakit?" takang tanong niya.

"Wala, basta siguraduhin niya lang na kaya niyang tapatan ang pag mamahal sayo ni Chris" diretsang sabi ko at wala akong pinag sisisihan sa sinabi ko.Hmp!.

Halata sa muka niya na natigilan siya "A-ano ka ba" kunware pa siyang natawa. Nainom nalang siya dahil mukang wala siyang masabi.

"Hindi ba dapat ganun?, si Chris Kaibigan mo lang " diniinan ko talaga yung word na 'Lang' para damang dama "Tapos si Apollo naman e gusto ka niyang maging Girlfriend kaya dapat mas matimbang dapat yung pag mamahal niya sayo kesa sa pag mamahal sayo ng Kaibigan mo, gets?" tanong ko

Dahan dahan naman siyang tumangob"Oo nga 'no"

Sa totoo lang naiinis na ako, kanina ko pa kasi hinihintay na ikwento niya saakin yung nangyari nung lasing si Chris. Gusto kong malaman kung ano ang reaksyon niya doon sa pinag sasabi ni Chris nung gabing yun. Kaso parang wala siyang balak ikwento saakin, kainis.

*Weng weng weng*

Naoakunot noo kaming sabay ni Payatot ng makarinig kami ng Ambulansya at siguradong nasa loob ito ng campus dahil sobrang lakas ng tunog.

"Bilisan mo, tignan natin yun" mabilis kong aya sakanya

"Tara tara!" sagot niya naman

Nang makalabas kami ng Canteen ay napansin namin ang mga estudyanteng nag kalat sa daan. Muka rin silang nabibigla na parang may nangyari.

"Uy anong nangyari?" tanong ni Sandy sa isang babae na kaklase ata niya.

"May tumalon daw ng 4rth floor sa building ng Stem" sagot ng babae at bigla akong kinabahan.

"Halla!" usal ni Sandy at napatakip pa ng bibig

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon