IAN's POV
Di-diretso na sana ako sa room namin kaso nakita ko sa labas si Pareng Chris na nakatambay sa labas ng room nila kaya nilapitan ko 'to.
"Yow yow yow lover boy!" bati ko sakanya at kunot noo naman itong tumingin saakin saka namin ginawa yung shakehands na pampogi.
"Ingay mo"
"Bakit ka nandito sa labas? Hinihintay mo si--"
"Mga paa!"
"Paa--" nahawa ako doon sa biglang nag ingay, hindi ko na nilingon dahil kilala ko naman na kung sino yun.
Walang paa-paalam na pumasok sa loob si Chris. Anong trip nun?. Sumunod na pumasok si Sandy kaya umalis nalang ako sa tapat ng room nila.
Mga slow!'
Nahinto ako sa pag lalakad ng makita ko si Kim na nasa tapat ng room namin. Naningkit pa ang mata ko dahil parang nakasibangot ito, nakasandal siya sa tabi ng pinto at nakakrus ang dalawang braso. Pinag patuloy ko nalang ang pag lalakad.
Hanggang sa malampasan ko siya??. Teka? Hindi ba niya ako nakita?.
Taka ulit akong huminto sa pag lalakad ng tuluyan akong makapasok sa room. Umatras ako ng lakad at sinilip siya. Mukang malalim ata ang iniisip niya at hindi niya ako napansin.
"Hoy" tawag ko sakanya at ibinaling niya saakin ang tingin
"Hm?"
Luh?'
"Hinihintay mo ako?" inosente kong tanong at kumunot noo siya
"Asa ka!, hinihintay ko boyfriend ko" sagot niya at inirapan ako
Boyfriend?'
"Ah ok" walang gana kong sagot at papasok na sana ulit ako sa loob pero hinawakan niya ang braso ko.
"Joke lang, ito naman hindi man lang mag selos" nakasibangot niyang sabi
Tinaas ko naman ang isang kilay ko "Oh tapos?" pambabara ko
"Ikaw talaga hinihintay ko dito"
"Bakit?" tanong ko at lumabas ulit para harapin siya.
"Hmm" niyuko niya ulo niya at kumunot noo ulit ako ng makita siyang ngumiti.
"Hoy!" sigaw ko sa muka niya at sa gulat niya ay nag angat ito ng tingin saakin "Ano na?"
Dahan dahan niyang pinag salubong ang kilay niya "Bakit ba ang sungit mo!, gusto lang kitang makita! Napaginipan ko kasing nasagasahan ka daw ng truck! Bye!" umalis siya sa harap ko at sinundan ko naman siya ng tingin.
Napaginipan niya rin ako!?'
"Hoy Kim!" pahabol ko at naka kross ang dalawang braso niyang humarap saakin
"Oh? Miss mo na ako?" taas kilay niyang sabi. Kapal.
"Napaginipan din kita" dahan dahan siyang napangiti "Naging unggoy ka daw" bakas sa tono ko ang pag tataka, bakit naman kasi ganun yung panaginip ko. Nawala ang ngiti niya, bago niya ako talikuran ay inirapan muna niya ako, saka na siya tuluyang umalis.
Nang mag break time na ay nauna ako sa canteen, hintayin ko nalang daw dito yung dalawa, yung dalawang slow. Nag order ako ng makakain para pag dating nila ay mang aasar nalang ako.
Halos maubos ko na yung shanghai saka ko lang makita si Sandy na pumasok kaso hindi niya kasama si Chris. Kinaway ko yung kamay konpara makita niya ako. Nang mag tama ang paningin namin ay lumapit ito. Hindi nag order?.
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...