SANDY's POV
Napangiti ako dahil ang dami kong napatay na Zombie. Hindi kasi ako makatulog kaya nag laro nalang ako.
*Klak*
Napatingin ako sa pinto ng bigla itong nag bukas, agad akong nagtungo doon at laking gulat ko ng si Chris ang bumungad saakin.
"Halla!" gulat kong nasabi ng bigla itong yumakap saakin. Napaatras ako dahil nabigla ako sa bigat niya hanggang sa makaratingin kami sa kama kaya napahiga ako habang siya ay nakapatong saakin. "Huy! Ano ba!" inis kong sabi at buong lakas na tinulak siya kaya napahiga ito sa tabi ko.
Tatayo na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. "Sandy" napatingin ako sakanya "Mahal kita Sandy"
Sandaling nanlaki ang mata ko "M-mahal din kita bestfriend" taranta kong nasabi at sinakyan nalang ang pagkalasing niya.
"Bakit hindi nalang ako ang gustuhin mo?.. 'wag na si Apollo mas mahal kita" nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong hilain kaya ako naman ang nakapatong sakanya ngayon. Niyakap niya ako.
"Uy ano ba" iritang sabi ko at pilit ko siyang tinutulak ngunit mas humigpit ang yakap niya.
"Sandy, ako nalang please" kumalma ako at pinakinggan siya "Mas mahal kita kesa kay Apollo" Lasing na lasing na talaga siya, bakas sa tono ng pananalita niya "Sandy... Ako nalang kasi..." dahil nakabaon ako sa dibdib niya ay rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya. Kasing bilis ng tibok ng puso niya ang tibok ng puso ko "Sandy.. Gusto kita.. gustong gusto kita"
Buong lakas ko siyang tinulak hanggang sa makawala ako sa pag yakap niya. "Tumayo ka na diyan! Pumunta ka na sa kwarto mo" inis kong sabi habang hila hila ang isang kamay niya. Inis ko yung binitawan at lumabas ng kwarto.
Nagtungo ako sa kwarto niya at nakita si Ian na nakahiga sa kama kaya niyugyog ko siya. "Ian.. Gising tulungan mo ako"bumagsak ang dalawang balikat ko ng hindi ko ito magising, malamang ay lasing na rin siya. Padabog ako lumabas ng kwarto at nagtungo sa kwarto ni Ate Tine.
Kakatok na sana ako kaso bigla kong naisip na baka tulog na ito. Masyado na ring malalim ang gabi, makaka istorbo lang ako, nakakahiya. Sigurado akong tulog na silang lahat. Patay na rin ang ilaw sa sala kaya wala akong nagawa kundi bumalik sa Guest room. Napakamot ako sa ulo ng makita si Chris na mahimbing na ang tulog sa kama dahil sa kalasingan.
Kinuha ko ang isang unan sa kama dahil sa Sofa nalang ako matutulog. Nahinto ako at napatitig sa muka niya, hanggang ngayon hindi parin kinakain ng utak ko lahat ng nasabi niya.
Mariin akong napapikit at sinampal ang sarili "Lasing lang siya.. Sandy lasing lang siya" inalis ko ang tingin sakanya at nagtungo sa sofa.
Napahawak ako sa tapat ng puso ko dahil hindi parin kumakalma ang tibok ng puso ko. Nabigla ako sa mga pinagsasabi ni Chris. "Lasing lang siya" sabi ko ulit sa sarili ko saka ko inayos ang unan ko at humiga.
"Mahal kita Sandy"
"Sandy, ako nalang please"
"Mas mahal kita kesa kay Apollo"
"Sandy gusto kita.. Gustong gusto kita"
Tinakpan ko ang tenga ko dahil naririnig ko parin ang boses ni Chris. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko pero si Chris ang nakikita ko kaya ibinuka ko ang mata ko. "Lasing lang siya... umayos ka" bulong ko sa sarili.
---***---
Dahan dahan kong ibinuka ang mga mata ko at napansin ko agad ang kumot na hindi ko alam kung saan nanggaling. Hindi naman ako nagkumot bago matulog. Bumangon ako at wala na si Chris sa kama kaya kahit malabo pa ang paningin ko ay tumayo na ako. Itinupi ko ang kumot at inayos ito.
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...