SANDY's POV
Mabilis akong nag leave sa Gc ng Art club na kakasali lang saakin ni Kim. Binato ko sa kama ang Cellphone ko saka ako humarap sa salamin at nag suklay. Namumugto parin ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kagabi hayst!.
--***--
Pagpasok ko ng Campus ay dumiretso na ako sa classroom at as usual nakita ko na namang nag uusap ang dalawang kumag sa harapan ng room namin.
"Uy payatot! Musta? Walang hiya yung mga yun humanda sila saakin!" Galit na sabi ni Ian
"Tara na sa deans office ireport natin sila, nag paalam na ako sa teacher natin" Si chris
"Sama ako" Si ian
"May subject ka" sagot ko
"Tsk!"
Pumunta kami sa deans office at nireport namin ang nangyari kahapon. Pinasundo nila ang apat na gurang sakanilang Room at pinapunta sa deans office. Buti nalang at wala si Ian ngayon kundi baka mag eskandalo yun dito sa Opisina, bumubuntal kasi yun ng babae.
Sa huli ay nakipag areglo sila saakin at ipapatawag ng dean ang kanilang magulang, papatawan pa sila ng one week Suspension, pumayag naman ako sa Gusto ng Dean. Sigurado naman ako na dahil sa natanggap nilang parusa ay hindi na nila iyon uulitin sa iba pang estudyante. Kinumpiska din ang phone na ginamit na pinam video saakin kaya wala na akong magiging problema.
Pag labas namin ng opisina ay nakita ko ang dalawang kaibigan ko na nag aabang kaya nilapitan ko sila.
"Sila ba!?" turo ni Ian sa apat na babae, akma itong susugod at buti nalang ay mabilis siyang napigilan ni Chris. "Isa pa ah! Naku sinasabi ko sainyo!" nag gigigil nitong sabi, tinapik ko naman siya sa dibdib para manahimik ito.
Pumunta kami ng Canteen para mag Break time at as usual maingay tubg dalawang kasama ko. Wala kasi ako sa mood ngayon tss.
"Uy ano nga palang balita sa Art club, tanggal ka na?" tanong ni Ian saakin
"Kailangan ko daw mag paalam dun sa head, kasi naipasa na yung listahan ng mga pangalan namin" walang gana kong sagot
"Samahan kita?" tanong ni Chris at umiling naman ako "Kaya mo na?"
"Hindi na ako aalis"
"Huh!?" sabay sila
"Ano namang isasagot ko sa head pag tinanong ako kung bat ako sumali at aalis sa Art club!?" Irita kong sabi
"Edi sabihin mong dahil kay Apollo mo--"
"Hep hep!" tinapat ko ang palad ko sa muka ni Chris "correction lang its Apollo not Apollo mo" mataray kong sabi
"Uncrush na ba?" tanong ni Ian habang ngumunguya
"Anong nangyari?" tanong ni Chris
"Masama ugali niya! Basta ayoko na sakanya! Nag sisisi ako kung bat ko ba yun naging Crush! Hayst! Naiiyak parin ako pag naalala ko yun! Napaka sama ng ugali--"
"Sandy-"
"Teka Christian hindi pa ako tapos!, Ang ganda ng pakiusap ko sakanya na sana man lang ay siya na ang mag sabi sa head na aalis na ako sa Art club! Alam mo kung anong sagot--"
"Uy!" si Ian
"Bat ko naman yun gagawin?" pang gagaya ko sa boses ni Apollo "Grabe hindi man lang ba niya naisip na kahit papaano ay may pinag samahan din kami! 'langya Isang taon ko na siyang Crush, isang taon na akong habol ng habol at papansin ng papansin sakanya! Tapos ganun lang isasagot niya! Ang sakit Ian!" tumango si Ian na parang napipilitang ngumiti
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...