03

175 14 2
                                    

SANDY's POV

Habang nasa bus ay nag you-youtube ako at nanu-nuod ng tutorial kung paano ba mag drawing, siyempre yung pang beginner ang pina-panuod ko, at jusmiyo wala parin akong natutu-tunan!.

Ba't naman kasi sa lahat ng Club ay Art club pa ang napili ni Apollo!. Wala akong alam sa pag d-drawing, Stickman nga hindi ko pa ma-perfect eh! Kainis!. Pinatay ko ang phone ko saka ko nilagay sa bag ko.

Wala ako sa sariling napangiti ng maalala ko ang bonding namin ni Apollo kagabi eeiihh.. Mamaya ulit!.

"Eh bat ka nandito kung wala ka namang sasakyan na naka-park?"

Napaisip ako sa sinabi saakin kagabi ni Apollo mylabs. Hindi ba niya naiintindihan na kaya ako palagi sa parking lot ay para makita siya?, hindi pa ba yun sapat na dahilan?.

Pero kung may sarili akong sasakyan, iisipin niya na may dahilan ako kung bat ako nasa parking lot tapos sabay pa kaming mag pa-park.

Nag evil smile ako saka ko nilabas ang phone ko. Hinanap ko sa messenger ang pangalan ni mama.

:Mama

Ma, gusto ko po ng Scooter Motor, I love you Mama kong maganda!.

Pag baba ko ng bus ay naglakad muna ako papunta sa School. Napansin ko ang mga babaeng naka motor at bigla akong naiinggit. Makakasama lang naman kasi ng motor nila ang Kotse ng Apollo ko huhu.

Dumiresto ako sa parking lot at hindi na ako tumuloy pumasok dahil nakita ko ng nakapark doon ang kotse ni Apollo. Pumasok nalang ako sa campus at masiglang nag lakad.

Sarap ng hangin! Ang lamig! Tapos ang Cute ko pa! What a wonderful day with a wonderful face of Apollo mylabs!'

"Payatot!" biglang may umakbay saakin

"Yes kawayan?" sagot ko naman

"Hindi ko pa alam kung saang club siya kasali eh"

"Ok lang, alam ko naman na eh" pag mamayabang ko

"Huh!? Grabe! Bilis ah!"

"In love eh"

"Saan daw siya?"

"Art club" malungkot kong sagot at natawa siya, ogag talaga

"'wag mo sabihing sasali ka din dun?" natatawang sabi nito

"Oo!"

"Eh?"

"Alam mo naman ako kaibigan! Gagawin ko ang lahat sa ngalan ng pag ibig" napaka formal kong sabi at sabay kaming natawa

"Uy!" bigla niya akong niyugyog at naitama ko ang mata ko kay Apollo..

May kasama siyang babae!?, Mga taksil! Charr.

"Sino yan?" nakasungo kong tanong kay Ian

"Ewan, baka kasama niya sa Art club?"

"Ian! Samahan mo akong magpalista! Ngayon din!" nakapamewang kong sabi kay Ian

"Lessgow Lampayatot!" Panggagaya niya sa Boses ko.

Humanda saakin ang babae na yan!'

**--**

"Konsintidor ka din eh! Alam mo na ngang hindi marunong mag drawing yan, pinalista mo pa sa Art club" Panenermon ni Chris kay Ian

"Eh yun ang gusto niya eh, Support nalang tayo!"

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon