CHRIS's POV
Sa wakas ay nakabalik narin ako sobra kong namiss ang bahay namin, ang School pati ang mga kaibigan ko. Lalo na si Lampa. Kaso galit sakin eh. Sa loob ng halos isang buwan ay maraming nangyari. Nung araw na huling nag Video call kami ni Lampa ay yun din ang araw na namatay ang lola ko. Kapag pasikreto akong nag o-online ay eksakto namang hindi Online sina Ian at Sandy. Ang lagi lang online ay si Briana, siguro mga apat na beses din kaming nag video call.
Sa pag uusap namin ay doon nabuo ang katangahan ko. Nag sisi agad ako dahil sa Prank ko ng i-block ako ni Lampa matapos niya akong hindi pa nakontento sa pag Unfriend niya sakin. Ang alam ko naman kasi ay hindi siya maniniwala kaso naniwala nga. Hindi ko nagawang makipag Video call sakanila ni Ian para mag explain kasi pinag babawalan ako ng Lolo at ni Dad na mag Cellphone. Para daw maituon ko ang atensyon sakanila ni Lola.
Ngayon, parang hindi na umuubra ang mga biro ko kay Lampa, naniniwala na siya agad. Ako? Makakalimutan siya? Imposible!. Nung nasa Japan ako ay maya't maya ang pag iisip ko sakanya. Ang wierd nga eh. Gustong gusto ko siyang makausap para kamustahin pero laging walang Timing.
"Pre, ang sama mo kay payatot" seryosong sabi ni Ian sakin
"Bakit ba galit na galit yan sakin?" inis kong tanong
"E gago! Tanong mo sa Prank mo!-- alam mo bang umiyak pa yan nung sinabi nung Crush mo na hindi ka na babalik!"
"Naniwala naman kayo?"
"ako 50/50 pero si Sandy naniwala. Nang iiwan ka daw"
"Baka galit kayo kay Briana na ah, ako nag utos sakanya"
"Si Briana talaga inisip mo?, sundan mo kaya si Payatot! Dali!"
"tsk!"
"Mag sorry ka nalang kasi! Babae yun pre!"
"Bahala na" sagot ko saka ako tumayo.
Lumabas ako ng Canteen para hanapin si Payatot. Sa pag lilibot ay sa wakas nakita ko na rin siya. Mag isa siya sa Study shed at nakahawak sa noo. Huminga ako ng malalim dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya.
"Lampa" tawag ko sakanya at inalis niya ang pagkakahawak sa noo niya saka ito tumingin saakin. Mas lumapit pa ako sakanya.
"Bakit?" seryosong tanong niya
"Galit ka? Magpapasuntok ako"
"'Wag mo nga akong inaartehan, kung ako sayo hanapin mo na si Briana para mabigay mo yang pasulubong mo sakanya" tumayo siya at sinamaan ako ng tingin. Mabilis siyang nag lakad pero patakbo akong pumunta sa harap niya para mapigilan ko siya.
"Sandy--"
"Alis"
"Mag usap naman tayo--"
"May klase pa ako!, bumalik ka na sa Dean's office para matapos mo na yung exam mo!"
"Hindi rin ako makakasagot ng tama kung galit ka parin sakin"
"Hindi ako galit, may klase pa ako kaya aalis na ako"
"Kung hindi ka galit, sige ihahatid kita mamaya sabay tayong uuwi--"
"Ayoko"
"Edi galit ka nga!"
"Christian!"
Mabilis kong nilingon kung sino ang nag tawag sakin. Si Briana. Ibinaling ko ulit ang tingin kay Sandy at nakatingin ito kay Briana.
"Hi Sandy, pasensya ka na ah napag utusan lang nitong si--"
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...