39

54 7 0
                                    

APOLLO's POV

Dahil walang klase ay naisipan kong pumunta ng Art room. May ginagawa kasi akong sketch.

Kaunting bukas ko palang ng pinto ay may narinig agad akong iyak ng isang babae. Binuksan ko ng tuluyan ang pinto at nakita ko si Lindsay na nakayuko habang umiiyak.

Ibinaling niya saakin ang tingin at agad niyang pinunasan ang luha niya. Isinara ko naman ang pinto habang hindi maalis ang tingin sakanya.

"H-hi" bati niya habang pilit ang ngiti

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko habang nag lalakad papalapit sakanya. Nilagay ko ang bag sa upuan na nasa tabi niya.

Malungkot lang siyang nakatingin saakin at tumulo ulit ang luha niya. "Apollo" sambit niya at tinakpan niya ang bibig niya sabay hagulgol.

Umupo ako sa tabi niya "May problema ba?" tanong ko

Ibinaling niya ang tingin saakin, nabigla ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko "Tulungan mo ako Apollo" umiiyak niyang sabi at nag tataka naman akong tumingin sakanya

"A-anong itutulong ko?"

Sandali siyang natahimik "Buntis ako"

Natahimik ako, literal na hindi ako makapag salita dahil sa pag ka bigla.

"Apollo, hindi ako gustong panindigan ng boyfriend ko nakipag hiwalay siya sakin dahil gusto niyang ipalaglag yung bata pero hindi ako pumayag" umiiyak lang siya habang mahigpit ang hawak sa braso ko

"Anong... maitutulong ko sayo?" tanong ko

"B-baka mapatay ako ni Daddy kapag--"

"Stop talking nonsense" pag puputol ko sa sasabihin niya. Alam ko namang hindi yun magagawa ng Tatay niya. That's nonsense.

"Paano na 'to... A-anong gagawin ko?" tanong niya habang umiiyak "Apollo tulungan mo ako, hindi ko na alam kung anong gagawin ko"

Wala naman akong pwedeng itulong'

"Ano bang gusto mong gawin ko?" tanong ko

Natahimik siya bigla at yumuko, hinawakan niya ang kanyang tiyan. Ibinaling niya ulit saakin ang tingin "Ikaw ang dahilan kung nangyari 'to" biglang sumeryoso ang muka niya.

Nag salubong naman ang kilay ko dahil hindi ko siya maintindihan. "Anong sinasabi mo?"

"Sinagot ko si Manuel para makalimutan kong gusto kita.. Apollo matagal na akong may gusto sayo--"

Napairap ako sa kawalan saka ko isinuot ang bag ko at tumayo. Makaalis na nga.

"Apollo!"

Huminto ako pero nakatalikod na ako sakanya.

"Hindi naman 'to mangyayari kung sa simula palang ay pinansin mo na ako!, Gustong gusto kita Apollo! Matagal na!... Bakit ba hindi mo ako magustuhan!?"

Wala akong ganang nilingon siya "Bakit napunta diyan yung usapan?, 'Wag mong isisi saakin yang pag kakamali mo--"

"Apollo" Akmang lalapit siya saakin kaya umatras ako "Apollo 'wag mo akong iwan.. kailangan kita" sabi niya habang umiiyak

Now I get it'

Umiling ako "'Wag mong ipasa saakin ang responsibilidad nung taong naka buntis sayo--"

"Pero kasalanan mo rin 'to! Hindi 'to mangyayari kung sa umpisa palang napansin mo na ako--"

"Shut up!" hindi ko napigilang sumigaw "Nakipag s*x ka sa boyfriend mo kaya ka nabuntis, wala akong kinalaman diyan Lindsay kaya 'wag mo akong dinadamay diyan sa pag bubuntis mo" sinamaan ko siya ng tingin bago siya tinalikuran.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon