Epilogue

126 5 5
                                    

SANDY's POV

4 months later....

Matapos kong makatawid ay ibinalik ko ang paningin sa screen ng cellphone ko, pero hindi ko man lang makita yung green dot sa tabi ng pangalan ng magaling kong boyfriend!. Hindi ko alam kung mag aalala ako sakanya o maiinis.

Halos araw araw kaming mag kausap kahit pa nga daw pagalitan siya ng lolo niya kakababad sa phone ay gumagawa parin siya ng paraan para lang makausap ako. Pero nung isang linggo ay hindi na siya nag paramdam.

Pati ba naman ngayong monthsarry namin!? 'Langya siya!. Sinisira niya ang first day of school ko!.

*Beep beep!*

"Christian!-" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may bumosena sa likuran ko, pati pag gulat ko pangaan niya parin ang bukambibig ko.

Nilingon ko ito at nakita ko si Kim na nakasakay sa kotse, nakalabas ang ulo nito at kinakawayan ako.

"Halika na!" aya niya at huminto sa tapat ko yung kotse.

"Gara ah!" nakangiting sabi ko habang papasok sa likod.

"Woi monthsarry niyo ngayon ah yiieee!" panunukso ni Ian bago mag maneho.

Napasungo naman ako at ibinalik ko ang tingin sa screen ng cellphone ko "Monthsarry nga! Wala namang paramdam! Aawayin ko talaga yun pag nag online!" inis kong sabi

"Ay oo nga 'no, ba't hindi nag o-open yun? nung isang linggo pa, walang seen yung huling chat ko sakanya" sagot ni Ian

Sasagot na sana ako kaso napatingin ako sa holding hands nila. Mga walang respeto!.

"Baka pinag bawalan ng lolo niya?" tanong ni Ian

"Ewan ko, tanong mo diyan sa kamay niyo" taas kilay kong sabi at bumalik ang tingin sa screen ng phone ko

"Hahaha! 'wag kang mag alal Sandy, pag uwi ni Chris talunin niyo kami haha!" pang aasar ni Kim

Ang kapal ng muka ni Chris na mag sabing kaya namin ang LDR e siya nga itong hindi na nag paramdam. Kung 'di ko lang mahal yun e, kanina ko pa siya blinock!. Hindi man lang magparamdam ngayong Monthsarry namin!.

Christian <3

Happy Monthsarry! I love you

Bakit wala kang paramdam!?

Miss na kita gago!

Nakakainis ka na!

Uy! Huhuhu

Bahala ka diyan!

May babae ka siguro diyan no!?

I hate you!

Break na tayo!

Joke lang! Mag online ka na kasi!

Sa sobrang inis ay binulsa ko nalang ang phone ko, saka ko hinugot ulit, mamaya biglang mag online e. Ang rupok ko sa boyfriend ko! Hindi ko siya matiis samantalang ako, natitiis niyang hindi kausapin.

"Hoy 'wag ka ng sumimangot diyan, baka mag paramdam rin yun mamaya" rinig kong sabi ni Ian

"Mahal ka nun Sandy 'nu ka ba" sabi rin ni Kim

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon