06

138 12 0
                                    

SANDY's POV

Isinuot ko ang bag ko saka ako nag Cap.

"Ate alis na ako" paalam ko kay ate saka ako tumakbo paalis ng bahay.

Malapit lang sa bahay namin ang pinapasukan kong trabaho kaya nilalakad ko nalang ito. Kada sabado ay Alas otso ng umaga ang pasok ko hanggang alas Siyete, sa Linggo naman ay alas Onse ng umaga hanggang alas Otso ng gabi. Hindi naman ako pinilit na magtrabaho nila mama at papa, gusto ko lang talagang magtrabaho para mabili ko kung anong gusto kong bilhin.

Pagkarating sa Milktea House ay nag madali akong pumasok sa loob.

"Good morning kuya Vincent!" masayang bati ko dito

"Good morning, buti hindi ka na-late darating ngayon si Boss Paulo"

Nilagay ko sa locker ang mga gamit ko saka ko nilagyan ng net ang buhok ko at nilagay ang pang ibabaw kong uniform. White polo ang uniform namin at black pants, saka kami may tinatali na parang Apron sa harap namin, basta yun.

Hindi ako ang gumagawa ng Milktea, ako lang ang taga serve at Cashier din minsan.

"Good morning ma'am" Bati ko sa pumasok na Customer

"Taro milktea, isa lang"

"150 ma'am" inabot niya saan ang limang daan "I received 500 pesos ma'am"

Sunod sunod ang mga pumasok na Customer. Marami kaming customer pag ganitong mga weekends dahil maraming gala. Kadalasan mga kaedad ko ang mga pumapasok dito, yung tipong kukuhanan muna nila ng Picture yung milk tea saka nila iinumin. Pang Myday na yun. Madalas mga nakapekpek short, naka brace, nakasalamin na wala namang Grado at magaganda ang mga Customer namin.

(A/N: No hate Just love haha!)

"Good Afternoon Boss Paulo" Bati ko sa manager namin

"Good Afternoon Boss Paulo" Bati din ni kuya Vincent

"Good Afternoon Boss paulo" Bati ni Ate Sheen at Shell, kambal na Crew.

"Good Afternoon, kamusta ang Sales?" Sagot ni Boss

"Kumo- Quota na boss hehe" Sagot naman ni kuya Vincent

"Mabuti naman kung ganun"

"Good Afternoon Sir--" Natigilan ako ng makita ko si Chris na pumasok

"Umupo ka na, ako na mag o-order"

Hindi ako nakatingin sakanya kundi dun ako sa bagong babae niya nakatingin. Hinatid ko lang ng tingin ang babae at kunot noo ko siyang tinititigan ng mula ulo hanggang paa. Lahat ng dinescribe ko na mga Customer kanina ay nasa kanya, Gara ng Pekpek short na-nanapak!.

"Bubble Tea" Biglang nag salita si chris kaya nagising ako sa reyalidad at ibinaling sakanya ang tingin.

"Uy, Sir Christian kayo pala Good Afternoon po" Bati ni Boss Paulo kay Chris

"Hello" sagot naman ni Chris

"Five hundred Sir"

"Here" inabot niya saakin ang isang libo

"I recieved One thousand Sir"

"Ang Formal mo naman, ako lang 'to" natatawang sabi niya

"Wala tayo sa School sir, nandito tayo sa Work ko na kayo ang Owner" natatawang sagot ko

"Haha! Oo nga naman sir" pag sasang-ayon ni kuya Vincent

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon