IAN's POV
Nagpunas ako ng muka matapos kong maghilamos saka ako lumabas ng Cr. Katatapos lang namin mag lunch ni Payatot at itong oras na 'to lagi akong hinahantok. Hapon tapos busog pa. Inumpisahan ko ng maglakad papunta sa classroom kung saan ang next subject namin.
Nahinto ako sa paglalakad ng may makita akong babae na umaakyat ng bakod kaya pinanuod ko lang ito habang tahimik na natatawa. Dumadami ang mga nag cu-cutting class ngayon. Biglang may teacher na dumating kaya napatingin ako dito, pati narin yung babae ay napahinto si ginagawa niya at WTF!? Si Kim pala!?.
Mabilis kong nilapitan ang si Sir Santos para mahinto siya sa paglalakad dahil konting hakbang nalang niya ay makikita na niya si Kim.
"Sir!" tawag ko dito "Good Afternoon po!" bati ko sinadya ko itong lakasan para marinig nung babaeng Abnormal at umayos siya ng tayo.
"Good Afternoon Sir" kumwareng bati naman ni Kim
"Good Afternoon, go back to your class" sagot ni Sir saka umalis
"Yes sir" sagot ko at ng tuluyan ng makaalis si Sir ay napatingin ako kay Kim na nakahawak sa dibdib na para bang nakahinga ito ng maluwag.
"Hero talaga kita!" sabi nito saka niya pinagpatuloy ang ginagawa niya kaya nilapitan ko ito.
"Uy tanga!" tawag ko sakanya at kunot noo itong lumingon sakin
"Ano ba? Mag cu-cutting ako"
"Alam ko"
"Oh edi alis! Shoo! 'wag kang maingay ah sasapakin kita!" maangas niyang sagot saka niya tinuloy ang kabobohang ginagawa niya.
Hinila ko ang bag niya pababa hanggang sa makaapak ito sa lupa. Salubong ang kilay niyang tumingib saakin. "Ano?" mariin niyang bulong
"May alam akong mas mababa diyan" sagot ako at dahan dahan siyang napangiti, saka ako naglakad.
Hindi ko naman gawaing mag cutting class eh, pero dahil matatapos na ang Senior high life ko gusto kong masubukan lahat.
"Mag cu-cutting ka din?"
"Akyat na ang daming tanong" iritang sagot ko, sinibangutan pa niya ako saka niya ako sinunod.
Ops, naka jogging pants siya kaya ok lang na panuorin ko siya habang umaakyat. Nang makababa siya sa kabilang bakod ay inihagis ko ang bag niya. Tumingin muna ako sa buong paligid at ng masigurado ko ng walang nakakita samin ay umakyat narin ako.
"Lintek ka! Akala ko matino kang mag aaral! Hahaha!" natatawang sabi niya saka siya masayang naglakad
"Ikaw nga yung mukang matino diyan eh, tarantado ka pala" sagot ko
Muka naman talaga siyang matinong babae yung hindi gagawa ng kalokohan. Ang lakas pala niyang mantrip tapos ngayon nalaman kong nag cu-cutting class pala siya. Hindi halata sa babaeng may bangs na may gawaing katarantaduhan.
"San ka naman pupunta?" tanong ko
"May tinatambayan ako"
"So madalas ka pala mag Cutting class?"
"Hindi naman! Siguro.. Hmm.. Pang eleven times na 'to"
"Ah.. Hindi nga" sarkastikong sagot ko "Bye uwi na ako" paalam ko
"Uy teka lang!" pag pipigil niya sakin sabay hawak sa palad ko, kaya mabilis ko itong tinanggal sa pagkakahawak niya
"Hoy! Hindi porket nagkasundo tayo sa trip nung isang araw, ay close na tayo" inis kong sabi
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...