APOLLO's POV
"Apollo!"
Napasinghal ako at napahinto. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ko pero biglang may nag tawag ng pangalan ko. Hindi ko na ito nilingon, alam ko naman na kung sino yun e.
"Happy Birthday Apollo"
"Thanks" walang gana kong sagot saka ko siya nilingon
"Here's my present" itinutuk niya sakin ang isang maliit na box
"No thanks"
"Apollo please.. Take it"
Kinuha ko ang box "Buksan mo na magugustuhan mo yan" nakangiti niyang sabi at binuksan ko naman iyon.
"Again? Hindi ko kailangan 'to, But thanks I need to go" walang gana kong sabi ng makita kong Cellphone ang laman ng box and I don't need that.
"Apollo, use that para naman ma-contact mo kami ng Dad mo--"
"Siya ba nag utos sayong ibigay 'to sakin?" iritang tugon ko
"No no no... Ako talaga nag bigay niyan"
Napatingin ako sa tiyan niya dahil sobrang laki na nito. Nakaramdam ako ng inis.
"Ma-lalate na ako" walang ganang sagot ko saka ako sumakay sa kotse at pinaandar ito.
She always do that, trying to be my Mother? Like what the hell! Hindi niya ba nahahalata na ayaw ko sakanya?, na kahit kailan hindi ko siya ituturing na Ina. Isa lang ang Mommy ko at hindi niya yun mapapalitan.
"Huy Apollo! Happy birthday to you.. You belong to the zoo, there's a monkey and the donkey the gorilla is--"
"You!" pag puputol ko sa kanta niya
"Luh? Sige na nga! Dahil Birthday mo, ako na Gorilla!" may kinuha siya sa bag niya
"Ano yan?" takang tanong ko habang sinisilip kung anong ilalabas niya sa bag niya
"Regalo ko" Abot niya sakin ng paper bag
"Ok thanks" sagot ko saka ko binuksan ang pintuan ng kotse
"Teka! 'wag mo muna ipasok buksan mo naman" pagpipigil niya sakin
"Ok fine" singhal ko saka ko binuksan ang paper bag
"Oh! Ganyan gusto mo diba?" masayang sabi niya ng ilabas ko ang Polo na laman ng Paper bag
"Thank you, buti ka pa alam mo gusto ko" natatawang sabi ko saka ko pinasok ulit ang polo sa paper
"Naman! Selfie naman tayo--"
"Ayoko!" pag iiwas ko at napansin ko ang screen ng phone niya dahil basag ito "Anong nangyari diyan sa Phone mo?"
Napakamot siya ng ulo "Binasag ni Erpat"
"Bakit?"tanong ko
"Eh.. Naiwan ko sa kusina tapos bigla silang nag away ni mommy, alam mo naman si Daddy kung anong nahawakan yun na ihahagis kaya ayun!" tinutok niya ang Phone niya sakin "Pero gumagana pa naman"
"Wait" kinuha ko ang Phone na binigay sakin ni Tita Aira saka ko binigay sakanya "Sayo na" tugon ko at nag umpisa na akong maglakad
"Uy! Cellphone 'to ah!"
"Take it" walang gana kong sagot habang nag lalakad
"Kanino 'to?"
"Sayo na nga"
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...