16

110 8 0
                                    

CHRIS's POV

"Sige kita kita nalang mamaya" paalam ko sa mga kagrupo ko

"Tara na pre" aya ni Ian

"Tara muna sa Hall nandun si lampa"

Pagkarating namin sa hall ay nakita namin si Sandy na naka indian sit sa sahig at nakasandal. Nilalaro niya ang kuko niya at bigla akong napailing ng bigla niya 'tong kagatin.

"Gutom na nga" mahinang sabi ko hindi yun narinig ni Ian kasi busy siya sa likod ko na nag ce-cellphone. "Sandy!" tawag ko sakanya at mabilis naman siyang tumayo at patakbong lumapit saakin

"Tagal niyo naman!"

"Sorry" sagot ko saka ko siya inakbayan

"Gutom na ako" reklamo ni Ian "Manlibre ka naman sa Mall tutal aalis ka naman na mamaya"

"'Ge tara" mabilis kong sagot

"E? Tatlo tayo sa Motor?" tanong ni Sandy

"Malamang alangan naman na mag commute tayo?" sarkastikong sagot ko

"E? Ayoko! Mag co-commute nalang ako"

"Arte nito!" si Ian

"Kaya nga! Hindi ka naman sa gitna pwe-pwesto e sa likod naman"

Sa huli ay napapayag rin namin siya, nasa gitna si Ian.

"Sandy yakapin mo si Ian" utos ko habang pinupunasan ang Side mirror

"Akin na nga yang kamay mo---" sabi niya kay Sandy "ok na pre gutom na ako pre ano na pre?" inis na sabi ni Ian at natatawa akong pinaandar ang motor

Pag dating namin ng mall ay dumiretso kami agad kung saan kami kakain, siyempre ang sabi ni Sandy sa Jollibee daw may magagawa ba kaming mga Alipin?.

"Ikaw mag order" utos ko kay Sandy

"Eh? Bakit ako?" reklamo niya

"E bakit hindi ikaw?" tanong naman ni Ian

"Sige na.. Pagod ako e" usal ko saka ko ibinigay sakanya ang wallet ko, wala naman siyang nagawa kundi sumunod nalang.

"Anong oras lipad niyo mamaya?" tanong ni Ian

"Alas dos daw e"

"Edi wala ng tulugan yan?"

"Ewan, baka matutulog ako ng isang oras"

"Edi pagkatapos niyong mag perform, uwi ka na"

"Oo naman, ano pang gagawin ko dun--- uy pre"

"Hm?"

"Si Sandy ah"

"Oo pre, ako ng bahala diyan"

"Mukang mas nagiging close sila nung Apollo"

"Selos ka na niyan?"

"Sira ulo! Nag bar nga yan ng hindi natin alam e dahil sa Apollo na yun" tanggi ko

"Oo na pre, akong bahala sa Apollo na yun"

"Balitaan mo nalang ako pag may ligawan ng nangyayari" natatawang sagot ko

"Bat di mo pa kasi Aminin pre?"

"Ang alin?"

"Wala wala hahaha!"

Kahit hindi niya naman sabihin alam ko na kung anong pinaparating niya hay! Paulit ulit. Ni lo-loveteam niya ako kay Lampa, e hindi naman kami talo nun. Sweet lang akong kaibigan tapos Babae pa, binilin pa siya ng parents niya sakin dahil wala siyang kapatid na lalaki. Parang kapatid lang ang turing ko kay Sandy. Period.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon