SANDY's POV
Nakasungo ako habang nakatingin sa Salamin dahil may tumubong pimple sa bandang gilid ng noo ko. Huhu paano na 'to? Baka pumangit na ako lalo, tapos makita ni Apollo tapos...
"Ang oa ko na naman" sabi ko sa sarili at lumabas ng kwarto.
"Ate alis na ako" paalam ko kay Ate na nag huhugas ng pinggan, hindi ko na ito hinintay na sumagot dahil kailangan ko na talgang umalis.
Dating routine parin, pupunta ng Bus station, sasakay sa bus at aantaying mapuno ang bus.
Pagkarating sa campus ay dahan dahan lang akong naglakad papunta sa room, ayokong pagpawisan dhail baka mahaggard ako. May pimple na nga tapos haggard pa, ang saya naman nun. Bat naman kasi ngayon pa ito tumubo? Pwede namang sa weekend nalang kainis!.
"Payatot!"
Agad kong nilingon ang nagtawag sakin, alam kong Ian yun. Patakbo itong lumapit sakin at sumabay sa paglalakad.
"Nagbreak na daw si Chris tsaka yung Gf niya" balita niya
"Alam ko kahapon, ang bilis nga eh"
"Sus! 'Di ka na nasanay sa tsonggo na yun" natatawang sagot niya
"Haha! Sabagay.. Naku kailan kaya yun mag seseryoso sa babae?" kunot noo kong tanong sa sarili
"Magseseryoso din yun, tignan mo ako ang tino tino na!" pagmamayabang niya
"May girlfriend ka ngayon?" takang tanong ko
"Wala, 'wag muna siguro 'diko pa feel"
"Eh baka namna kasi..." tignan ko siya ng panunuksong tingin
"Ano?"
Baka naman kasi hinihintay mo lang si Kim? Ayyiiieee'
Yun sana ang sasabihin ko pero 'wag na hahaha!. "Wala!" sagot ko
"Baliw ka talaga" inirapan ako
"Hehe"
Bago mag umpisa ang klase ay dumating narin si Chris at dumiretso siya sakanyang upuan. Habang nakikinig sa lecturer ay nakahawak ako sa Pimple ko baka sakaling mabaon ito at mawala nalang huhuhu. Buti nalang hindi ito napansin ni Ian kanina baka asarin lang ako nung Urangggutan na yun.
"Lampa mukang paa" biglang sulpot ni Chris sa likod ko. Lilipat na kami ng sa ibang room.
Ay oo nga pala, malapit na pala Birthday niya wala pa akong maireregalo, wala akong maisip!'
"Kailan yung Dance contest niyo?" tanong ko
"Tagal pa, hindi pa nga namin nakakalahati yung sayaw eh"
"Ah.. Edi nagbobonding kayo ni Briana? Yiieee" tinusok ko tagiliran niya at nahuli niya ang kamay ko, hinawakan niya ito
"Pumunta kami ng park kahapon" nakangiting sagot niya at nawala ulit yung mga mata niya
"Eeiihhh... Anong nangyari?" kinikilig kong tanong
"Yun, nagkwentuhan kami tapos may bata na kumanta sa harap namin--"
"Yiieee.. 'langya.. Ang romantic naman"
"Teka nga, patapusin mo muna ako bago ka kiligin diyan"
"Sige ano pa?"
"Sinabi ko sakanya, Gusto ko siyang ligawan" nakangiti niyang sagot. Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa kilig at tumalon ako sa hagdan "Huy gago!"
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...