SANDY's POV
Patakbo akong pumunta sa parking lot ng school para maabutan ko si Apollo. Eksakto ang dating ko dahil wala pa dito ang kotse niya, gusto ko siyang sundan para malaman ko kung anong section niya hindi ko kasi yun napansin sa enrollment slip na pinakita niya saakin kahapon.
Nang mapansin kong paparating na siya ay nag tago ako kung saan ako pwedeng hindi makita, sa likod ng isang kotse na nakaparada. Sinilip ko siya at nakitang lumabas siya ng kotse. Bagay na bagay talaga sakanya yung Uniform niya, kahit ano namang isuot na ay bumabagay parin sakanya.
Nag lakad na ito paalis at sinundan ko naman siya hanggang sa makalabas kami ng parking lot.
Maraming estudyante ang napapatingin sakanya, hindi na ako mag tataka dun. Nakapamulsa siya habang naglalakad at parang walang paki-alam sa paligid. Nang hindi na ako makatiis ay tumakbo na ako papalapit sakanya, nakangiti akong pumantay sakanya habang nag lalakad.
"Good morning!" masiglang bati ko sakanya.
"It's you again" walang gana nitong sagot
"Yes! Again and again and again--" Nahinto ako sa pag sasalita ng huminto ito sa pag lalakad at tumingin sakin.
"Anong plano mo ngayong year? 'wag mo sabihing kukulitin mo na naman ako?"
Yumuko ako dahil sa napahiya ako sa sinabi niya, naiirita na talaga siya sakin, kaso sayang wala akong pake bwahaha!.
"Apollo, gusto kita--"
"Kaso ayoko sayo" Pagpuputol niya sakin saka siya nag lakad paalis.
Naiwan naman akong nakanganga dahil sa narinig ko! Napaka-prangka!. Kaso ok lang, kahit struggle is real hindi ko siya susukuan. Sabi nga nila pag may tyaga, may nilaga. Sa kaso ko naman habang may makapal akong muka, may Apollo!.
Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi.
--Flashback--
Dahil may seminar kami tungkol sa Anti Illegal Drugs ay nag sipuntahan lahat ng estudyante sa hall, humiwalay ako kay chris dahil kasama niya ang girlfriend niya, ayoko namang maging chaperone. Maghaharutan lang naman ang mga iyon, masusuka lang ako.
Nakakita ako ng bakanteng upuan kaya duon nalamang ako naupo. Nakatingin lang ako sa stage at naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
"Excuse me, may nakaupo ba--"
"Apollo!" masayang sabi ko, at bigla siyang tumayo "Walang naka upo dito" nakasungo kong sabi
"Whatever" bored nitong sabi saka umalis!? Grabe siya!.
Napansin ko ang mga babaeng nag sisitawanan dahil sakin. Niyuko ko nalang ang ulo ko saka ako umalis sa pwesto ko at lumabas ng hall.
Pumunta nalang ako ng canteen at bumili ng maiinom, umupo ako sa bakanteng upuan. Walang tao dito sa canteen dahil halos lahat ng estudyante ay nasa hall pwera sakin na nag da-drama mag isa dito tsk.
Hiniga ko ang ulo ko at ginawa kong unan ang dalawang braso ko saka ako pumikit. Hindi ako matutulog pero komportable lang ako sa posisyon kong 'to.
"Iha? Hindi ka pa pupunta ng hall?"
Binangon ko ang ulo ko at humarap sa tindera.
"Ah, mamaya nalang po siguro masama po pakiramdam ko" palusot ko at tumango anamn ito saka bumalik sa trabaho.
Uminom ako ng tubig habang nakatingin sa pintuan.
BINABASA MO ANG
I'm Into You
Teen Fiction"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lang ang mag papahiya saakin hihi. --- COMPLETED Written by: Glossyaa Date started: November 4, 2019 Da...